Raffy Tulfo, sinamahan ang kasambahay upang tuluyang kasuhan ang anak ni Lucio Tan

Raffy Tulfo, sinamahan ang kasambahay upang tuluyang kasuhan ang anak ni Lucio Tan

- Personal na pumunta si Raffy Tulfo sa Prosecutor's Office upang samahang magsampa ng kaso ang kasambahay laban sa anak ni Lucio Tan na si Timmy Tan

- Matatandaang ang kasambahay na ito ay binantaan ni Timmy dahil lamang umano sa pagluluto nito ng hotdog

- Hindi lamang si Raffy Tulfo ang sumipot, kundi maging sina Atty. Freddie Villamor at Atty. Garreth Tungol na nagpakita ng suporta sa kasambahay

- Nadatnan daw ni Tulfo ang kasambahay na nanginginig sa takot at aminadong balisa ngunit nahimasmasan nang sila ay makita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang pumunta at sinamahan mismo ni Raffy Tulfo si Rocelle Siay, ang kasambahay na nagreklamo sa amo niyang si Timmy Tan, ang anak ng isa sa business tycoon ng bansa na si Lucio Tan.

Read also

Toni Gonzaga, trending sa Twitter dahil umano sa interview niya kay Bongbong Marcos

Nalaman ng KAMI na tuluyan nang kinasuhan ni Rocelle ang anak ni Lucio Tan sa tulong ni Tulfo.

Raffy Tulfo, sinamahan ang kasambahay upang tuluyang kasuhan ang anak ni Lucio Tan
Raffy Tulfo (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sumipot din at nagpakita ng suporta sina Atty Freddie Villamor at Atty. Garreth Tungol ng ACT-CIS.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ni Tulfo, nadatnan nila si Rocelle na nanginginig sa tindi ng takot, aminadong balisa at aminadong hindi alam ang gagawin.

Tila nahimasmasan lamang daw ito nang makita ang presensya ni Tulfo at ng mga abogado na sinigurong tutulong sa kanya hanggang sa makamit nito ang hustisya.

Matatandaang ang nilutong hotdog lamang ng kasambahay ang naging ugat ng galit umano ni Timmy sa kanya na humantong pa sa pag-utos sa bodyguard nito na gawan siya ng 'di maganda.

Dahil dito, sinabi ni Tulfo na dito masusubok ang pagbibigay hustisya sa bansa dahil isang kaso ito kung saan isang mahirap umano ang lakas-loob na nagdemanda sa mayaman at kilalang tao sa bansa.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.2 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel