Toni Gonzaga, trending sa Twitter dahil umano sa interview niya kay Bongbong Marcos

Toni Gonzaga, trending sa Twitter dahil umano sa interview niya kay Bongbong Marcos

- Nag-trending ang Toni Talks ni Toni Gonzaga sa Twitter ngayong Setyembre 13

- Ito ay matapos na maipalabas ang interview niya kay Bongbong Marcos

- Tila hindi umano ito nagustuhan ng ilang netizens na naglabas ng kanilang saloobin sa Twitter

- Isa ang Toni Talks sa mga pinakaabangang channel sa YouTube dahil sa mga nakakapanayam ni Toni halos linggo-linggo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mabilis na naging usap-usapan ang "Toni Talks" ni Toni Gonzaga ngayong Setyembre 13.

Nalaman ng KAMI na nag-trending pa sa Twitter ang 'Toni' dahil sa kontrobersyal na interview nito kay Bongbong Marcos.

May mga netizens umano ang hindi nagustuhan ang naturang panayam at nagawa nilang maglabas ng saloobin sa Twitter.

Toni Gonzaga, trending sa Twitter dahil umano sa interview niya kay Bongbong Marcos
Toni Gonzaga, trending sa Twitter dahil umano sa interview niya kay Bongbong Marcos (Photo: Toni Gonzaga Studio/ Twitter)
Source: UGC

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-interview si Toni ng personalidad na may kaugnayan sa pulitika.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Rob Moya, masayang ibinahagi ang picture ng babaeng nagpapasaya sa kanyang puso

Matatandaang nakapanayam na rin niya ang ilang pulitiko tulad nina Manila Mayor Isko Moreno at maging si Vice President Leni Robredo.

Kaya naman, ilang netizens ang nagsasabi na 'neutral' lamang ang kilalang Kapamilya host.

Narito ang video mula sa YouTube channel na Toni Gonzaga Studio:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Kamakailan, nakapanayam din ni Toni si Mayor Isko Moreno kung saan nasabi ng alkalde ang balak niyang pagreretiro sa edad na 50.

Sa panayam naman niya sa kasalukuyang Bise Presidente ng bansa na si VP Leni Robredo, hindi naiwasang maging emosyonal ni Toni sa mga naikwento nito tungkol sa pumanaw na mister na si Jesse Robredo noong taong 2012.

Isa rin sa mga nakapanayam ni Toni ay ang YouTube content creator na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer. Doon naikwento ni Basel ang pagmamahal niya sa bansa na itinuring na niya talagang tahanan.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica