Basel Manadil, pinahanga si Toni Gonzaga sa pagmamahal niya sa Pilipinas
- Labis na humanga si Toni Gonzaga sa vlogger na si Basel Manadil dahil sa pagmamahal nito sa Pilipinas
- Mas kilala si Basel bilang 'The Hungry Syrian Wanderer' na nananatili na sa Pilipinas mula pa noong 2013
- Aminado man siyang mahirap ang simula ng pamumuhay niya riot na mag-isa subalit unti-unti niyang minahal ang lugar maging ang mga tao sa bansa
- Dahil dito, wala na raw umano siyang balak na iwan pa ang Pilipinas lalo na at isa na siyang ganap na Filipino Citizen
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang makabuluhang panayam at talagang kapupulutan ng aral ang ibinahagi ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube Channel kung saan nakausap niya ang kilalang vlogger sa bansa na si Basel Manadil.
Nalaman ng KAMI na labis na namangha si Toni kay Basel dahil sa pagmamahal nito sa Pilipinas.
Kwento ni Basel, taong 2013 nang ipadala siya ng kanyang mga magulang sa ating bansa lalo na at nagkakagulo na noon sa kanilang bansa sa Syria.
Aminado siyang nahirapan sa umpisa lalo na at nasa edad na 18 pa lamang siya noon at hindi pa gaanong marunong na magsalita ng Ingles lalo na ang mag-tagalog.
Subalit dahil sa kabutihan na rin ng mga Pilipino, unti-unti na niyang minahal ang bansa.
Marami na rin siyang negosyo na naipatayo na ang pangunahing motibo niya ay ang mabigyan ng trabaho ang mga kababayan nating nangangailangan ng hanapbuhay.
Sa pamamagitan din ng kanyang vlog, natutulungan ang mga kababayan nating kapos-palad.
At nang tanungin ni Toni kung hanggang kailan mananatili si Basel sa bansa, sinabi nitong "for good" dahil sadyang napamahal na sa kanya ang 'mga tao' at ang mismong Pilipinas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO at mayroon na rin siyang Korean grocery store.
Isa rin sa mga napag-usapan nina Basel sa interview sa kanya ni Toni ay kung ano ang masasabi niya sa mga Pinay. Ayon kay Basel, 'cute' daw ang mga ito dahil sa kanilang bansa, halos kasing tangkad niya ang mga babae roon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh