15-anyos sa Pangasinan, nakapagpatayo na ng sarili niyang gotohan mula sa kanyang ipon
- Marami ang bumilib sa isang 15-anyos sa Pangasinan na nakapagpatayo na ng sarili niyang gotohan
- Nakagawa raw umano ito ng sarili niyang timpla ng goto kaya naman sinuportahan siya ng kapatid
- Bukod sa sarili niyang timpla ang kanyang paninda, ipon mula sa kanyang allowance ang kanyang ginamit sa pagpapatayo ng negosyo
- Plano niya kasi na pagpatak niya ng pagpasok sa kolehiyo, hindi na niya hihingan ng pampaaral ang kanyang mga magulang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang isang 15-anyos sa Pangasinan na si Antonio "Don-Don" Colcol III na nakapagpatayo na ng sarili niyang gotohan.
Nalaman ng KAMI na sarili niyang timpla ang goto na inihahain sa kanyang sariling pwesto.
Kwento ni Dondon sa panayam sa kanya ng GMA News, sariling naipon na allowance niya ang ipinagpatayo ng negosyo.
Sinuportahan din siya ng kanyang kuya kaya naman naisakatuparan ang kanyang gotohan na ngayo'y binabalik-balikan na ng kanyang mga kababayan.
Edad na 12 pa lamang ay nahilig na sa pagluluto si Dondon. Hands-on siya sa kanyang negosyo at talagang gumigising siya ng maaga upang siya mismo ang magluto at minsan ay siya pa ang nagse-serve sa kanilang mga suki.
Plano niya kasi na pagsapit ng kanyang pagpasok sa kolehiyo, hindi na niya pahihirapan pa ang kanyang magulang sa pagpapaaral dahil siya na mismo ang bahala sa gastusin sa pagpapa-aral sa sarili.
Payo ni Dondon sa kapwa niya mga kabataan na balak na rin pumasok sa negosyo: "Pwede na po silang mag-start agad, basta alalahanin lang po nila magkakamali man sila, matututo pa rin sila."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang naiulat na rin ng KAMI ang isang 17-anyos na raketerang si Clara Matos na nakapagpatayo na ng bahay para sa kanila ng kanyang ama.
Ito ay mula sa kanyang ipon sa pagiging tindera ng merienda at online seller.
Gayundin ang isang college student na naging instant millionaire pa sa gitna ng pandemya dahil sa hindi inaasahang tagumpay ng kanyang negosyo sa loob ng anim na buwan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh