24-anyos na working student, naging milyonarya pa sa gitna ng pandemya
- Kahanga-hanga ang 24-anyos na may-ari ng 'King Bomb' Takoyaki kung saan naging milyonarya
- Setyembre ng 2020 nang maisipan niyang itayo ang negosyo na pinatok naman ng masa
- Sa loob lamang ng anim na buwan masasabing certified milyonarya na siya at nagawa pa niyang pumasok sa isa pang negosyo
- Sa ngayon, nagagawa rin niyang ibahagi ang kanyang tagumpay sa mga tulad niyang working student
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Habang ang karamihan sa atin ay labis na pinahirapan ng pandemya, masasabing napagtagumpayan naman ng 24-anyos na si Dom Alonso ang pagtatayo ng negosyo.
Nalaman ng KAMI na hindi nag-aksaya ng panahon si Dom na sa kalagitanaan ng pagpapahirap ng COVID-19 sa bansa, binuksan niya ang negosyong 'takoyaki' noong Setyembre 2020.
Tulad din ng marami, dumaan din sa pagsubok si Dom sa umpisa. Kinailangan niyang magbenta ng ilan sa kanyang mga kagamitan hanggang sa maabot niya ang halagang Php50,000 bilang puhunan.
Ang nakamamangha kay Dom, agad din niya itong na nabawi at sa loob ng anim buwan.
Sa tulong din ng social media, marami lalo ang tumatangkilik sa kanyang 'King Bomb' takoyaki.
Bukod pa rito, nakapagtayo rin ng isa pang negosyo si Dom na isa namang online shop.
Lahat ng ito ay nagagawa ni Dom habang siya ay nag-aaral. Kahit aminadong nahihirapan minsan sa pagbabalanse ng kanyang oras, nagagawa pa rin niya lahat ng ito at nakakatulong pa rin siya sa iba.
Narito ang kabuuan ng video kung saan naitampok si Dom sa Brigada ng GMA News and Public Affairs:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa gitna ng dagok ng pandemya na patuloy nating kinakaharap, marami sa ating mga kababayan ang nagsisikap na mapagtagumpayan ang hirap na dulot nito.
Dahil sa marami ang mga magulang na nawalan ng hanapbuhay dahil sa nangyayari, marami lalo ang mga nagiging working student, maituloy lamang ang pag-aaral at makatulong na rin sa pamilya.
Ang ilan, sa kabila ng pahirap ng COVID-19 pandemic, nakamit ang tagumpay at nakatapos ng pag-aaral habang hinahati ang oras sa trabaho at negosyo. Dahil dito, nagkaroon sila ng pag-asa para magkaroon ng mas maayos na kinabukasan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh