Video ng lalaking hindi nakatiis at nanghingi ng candy sa kasakay sa van, viral
- Kinagiliwan ng mga netizens ang TikTok video ng isang lalaki na hindi nakatiis na manghingi ng candy
- Kasakay niya sa isang van ang babaeng may isang supot ng candy na unang nakuha sa video
- Maya-maya, hindi nakapagpigil ang lalaki at nagsabi sa babae na hihingi umano siya ng dalawang piraso nito
- Umani ng samu't saring reaksyon ang video ngunit karamihan ng netizens ay naaliw at nagulat sa naisipang gawin ng lalaki
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-viral ang video ng TikTok user na si Caraig Dy Dindo (@dindo_dy29) dahil sa ginawa niyang panghihingi ng candy sa nakasakay niya sa van.
Makikita sa maiksing video ni Dindo na inilabas ng isang babae ang isang supot ng candy na dala nito sa biyahe.
Hindi nagtagal, nagsabi na agad si Dindo at nanghingi ng dalawang pirasong candy sa babae.
Nagulat ang kanyang hiningan na makikitang napatingin na lamang sa kanya habang kumukuha si Dindo ng dalawang piraso ng candy.
Mapapansin din na tawang-tawa ang isa pang pasahero na nasa van na tila nagulat din sa ginawa ng lalaki.
Samantala, maging ang mga netizens ay aminadong naaliw sa 'di inaasahang ginawa ni Dindo.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"At least nagpaalam si kuay kaso medyo nagulat nga yata si Nanay"
"Ang kulit ni kuya, pero sabagay isang plastik naman ang inilabas ni lola"
"Natawa ako pero onting ingat din po sa panghihihngi ha"
"Be careful next time though funny naman ang ginawa ni kuya, lalo na at may virus pa rin ngayon"
"Oy nagsabi siya ha, sa hindi na niya natiis baka mahaba ang biyahe nila"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.
Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.
Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh