Groomsman na 'iniwan sa ere' ang bridesmaid dahil sa TikTok dance, viral
- Viral ang TikTok video ng isang bridesmaid na todo hataw sa pagsayaw sa pagpasok nila sa reception ng kasalan
- Habang bigay na bigay ang bridesmaid sa pagsasayaw, napatigil na lamang ang groomsman na kapartner niya
- Napapalakpak na lang ang partner habang tinatapos ng bridesmaid ang nakakaliw nilang dance number
- Umabot na sa 645,000 ang views ng naturang video sa TikTok
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinagiliwan sa TikTok ang post netizen na si @labulangga dahil ibinahagi niya ang nangyari sa dance number sana nila ng kapartner niyang groomsman sa isang kasal.
Nalaman ng KAMI na dapat parehong sasayaw ang bridesmaid at kanyang partner ng sikat na TikTok dance na "Copines" ngunit dala marahil ng hiya, ay naiwang mag-isang humahataw ang babae.
"Hahaha! Sorry na sa ka-partner ko, di talaga ko tiktokers"
Habang todo sa pagsasayaw ang bridesmaid, napapalakpak na lamang ang groomsman habang tinatapos nila ang naturang dance number.
Mapapansing tuwang-tuwa din ang iba pang mga abay at makikitang kinakantsawan na ang groomsman.
Umabot na sa mahigit 645,000 ang views ng nakaaaliw na video.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa mga makukulit na komento ng mga netizens:
"Prepared si bridesmaid, si kuya pinaubaya na lang niya"
"Hahahahaha, ang tanging nagawa ni kuya groomsman e i-cheer ang partner niya"
"Mang-iiwan sa ere si kuya, 'di dapat yan minamahal baka ganyan din yan sa pag-ibig. hahaha"
"Go ate, Tiktokerist to the highest level, pero ang partner napa-clap ng hands na lang"
"Aliw 'tong video na ito, siguro talo asar yung groomsman sa mga kasama niya"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.
Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.
Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh