Ivana Alawi, naranasang masibak sa isang opening number dahil ayaw ng direktor

Ivana Alawi, naranasang masibak sa isang opening number dahil ayaw ng direktor

- Nabanggit ni Ivana Alawi na minsan siyang natanggal sa isang opening number ng sinalihang kompetisyon

- May mga netizens kasi na pumuri sa kanyang pagsasayaw at ibinahagi niya ang naging karanasan sa production number kung saan pinaalis siya ng direktor

- Aminadong naiyak siya sa nangyari lalo na at hinahanap siya ng kanyang ina na nag-aabang sa kanya para mapanood sa TV

- Ngayon, masaya naman daw siya sa pagiging isang "dancerist" sa TikTok kasama ang kanyang kapatid na si Mona

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naikwento ni Ivana Alawi ang kanyang naging karanasan nang minsang mapatanggal siya sa production number ng sinalihan niyang kompetisyon.

Nalaman ng KAMI na sa latest vlog ni Ivana na inilabas sa kanyang YouTube channel ngayong Abril 3, mayroong netizen ang pumuri sa kanyang pagsasayaw.

Ayon sa netizen, may potensyal daw si Ivana na maging isang dancer ngunit hindi lang daw nito "kina-career"

Read also

Ivana Alawi, ibinahagi ang "bonding day" nila ng kutsinta vendor sa viral video

Ivana Alawi, naikwentong nasibak siya sa isang opening number dahil ayaw ng direktor
Photo from Ivana Alawi
Source: Instagram

Natawa na lamang si Ivana bago sagutin ang tanong ng netizen at naibahagi ang naging minsang pagsibak sa kanya ng direktor ng sinalihang competition.

"Dati mahilig talaga ako sumayaw, sumali ako sa isang competition, alam niyo na kung ano 'yun"
"Pilot episode, so sayaw sayaw yun. Tapos hiyang-hiya ako kasi nung rehearsals, tinawag ako nung director tapos isa pang lalaki dalawa kami tapos sabi 'labas kayo, sinisira niyo yung sayaw."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil sa nangyari, aminadong nawalan ng kumpiyansa sa sarili si Ivana lalo na sa pagsasayaw.

Ang ikinasama pa ng loob niya noon ay nang tumawag ang kanyang ina na nag-aabang noon sa kanya para mapanood ito sa telebisyon.

Ngunit naka-move on naman na raw si Ivana sa nangyari at masaya siyang maging isang "dancerist" kasama ang kanyang kapatid na si Mona sa TikTok.

Read also

Ivana Alawi, handang harapin ang kasong maugong na isasampa sa kanya dahil sa 'street prank"

"Im happy right now, dancer naman ako sa TikTok with my sister"

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 12 million ang kanyang YouTube subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Naging usap-usapan kamakailan ang viral vlog ni Ivana kung saan nagpanggap siyang pulubi at namangha naman sa kabutihang ipinakita sa kanya ng mga taong lansangan.

Bagaman at naging maugong ang maaring harapin niyang kaso dahil sa ginawang street prank, sinabi niyang wala siyang nakitang mali sa kanyang ginawa lalo na at ang intensyon lamang niya ay ang tumulong sa kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel