OFW, nagmamakaawang iksian ang quarantine makapiling lang ang anak bago ito ilibing

OFW, nagmamakaawang iksian ang quarantine makapiling lang ang anak bago ito ilibing

- Isang OFW na tatlong araw pa lamang sa bansa ang nagsusumamong iksian na lamang ang kanyang quarantine

- Ito ay upang makasama pa ang anak sa huling sandali nito bago tuluyang mailibing

- Ito rin kasi ang dahilan kung bakit biglang napauwi ang ina mula sa UAE

- Magtatapos na sana ng Junior High School ang anak na binawian ng buhay bago pa man ito nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na nagmamakaawa ang overseas Filipina worker na si Rosamil Saranza na paiksiin na lamang ang kanyang quarantine period para lamang makaabot pa bago ang libing ng kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na pumanaw noong Hulyo 7 ang Grade 10 na anak ni Rosamil na si Cherry Mae na sana ay kabilang sa mga completer ng Junior HIgh School.

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, may namuong dugo sa ulo ni Cherry Mae na naging sanhi umano ng biglaan nitong pagkamatay.

Read also

Nanakawang delivery rider, nabigyan na ng bagong bike matapos mag-viral

OFW, nagmamakaawang iksian ang quarantine para makaabot sa libing ng anak
Photo: OFW na si Rosamil Saranza
Source: UGC

Ayon sa inang si Rosamil, wala siyang nagawa noon kundi ang kausapin ang anak sa pamamagitan ng video call.

Sa hirap ng proseso sa pagbiyahe mula ibang bansa papasok sa Pilipinas, nito lamang Hulyo 12 nakauwi si Rosamil.

At bilang pag-iingat sa posibilidad ng pagpasok ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa, mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng quarantine period sa mga tulad niyang OFW.

Pangamba tuloy ni Rosamil, baka hindi na niya abutin pa ang labi ng anak bago ito maihatid sa huling hantungan.

"Nagmamakaawa po sa inyo sa kahulihulihang pagkakataon, pagbigyan niyo na makasama ko ng saglit ang anak ko"

Narito ang kabuuan ng panayam ng GMA News sa OFW na si Rosamil:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masasabing matindi talaga ang sakripisyo ng mga overseas Filipino workers dahil ang mawalay pa lamang sa kanilang mga mahal sa buhay ay sadyang napakahirap na.

Read also

Misis ng isa sa sundalo sa Sulu crash, ibinahagi ang nakakaantig na TikTok video

Tulad ni Rosamil, isang inang OFW ang halos walang magawa nang malamang na-ospital ang kanyang anak dahil sa umano'y matinding pagpupuyat.

Ang dahilan daw ito ay ang pagkawili ng kanyang anak sa mobile games. Kaya naman nagbigay babala ang OFW na magsilbing aral ang sinapit ng anak sa iba pang mga kabataan na makinig sa mga nakatatanda lalo na sa paglilimita ng mga ito sa paggamit ng gadget.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan din, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica