Nanakawang delivery rider, nabigyan na ng bagong bike matapos mag-viral

Nanakawang delivery rider, nabigyan na ng bagong bike matapos mag-viral

- Nabigyan ng bagong bisikleta ang nag-viral na delivery rider na nanakawan ng ginagamit na bike

- Isang bike shop owner ang nakapanood ng viral video at naisipan nitong hanapin ang nanakawang delivery rider

- Laking pasalamat naman ng rider sa natanggap na bagong bike na talagang hindi raw niya inaasahan

- Nag-viral ang video ng babae kung saan nakunan itong nakaupo sa kalsada habang humahagulhol nang makitang itinakbo na nga ng kawatan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking pasalamat ni Mary Rose Barbosa, isang food delivery rider nang makuha na niya ang bago niyang bisikleta.

Nalaman ng KAMI na si Mary Rose ang nasa viral video na kuha noong Hulyo 8 kung saan napaupo na lamang siya sa kalsada habang humahagulhol nang matangay ng kawatan ang bisikleta.

Ito pa naman ang pangunahin niyang gamit sa kanyang trabaho kaya ganoon na lamang ang kanyang pag-iyak nang malamang natangay na ito.

Read also

Magnanakaw sa Maynila, nahuli dahil sa 'mala-Jackie Chan' na pagsipa ng isang residente

Nanakawang delivery rider, nabigyan na ng bagong bike matapos mag-viral
Photo: Ang delivery rider na si Mary Rose kasama ang bike hop owner (Matthew Rey Matias)
Source: UGC

Nakunan pa ng CCTV ang lalaking hindi na nakilala habang dali-dali nitong itinakbo ang bisikleta ni Mary Rose.

At dahil sa nag-viral ang post tungkol sa sinapit ni Mary Rose, isa sa mga nakapanood nito ang mag-ari ng Maginhawa Cycles Bike Shop na si Matthew Rey Matias.

Agad nitong hinanap si Mary Rose upang mabigyan ng bagong biskleta upang makabalik ito sa kanyang trabaho.

Hindi naman makapaniwala si Mary Rose na sa kabila ng hirap na dulot ng pandemya, mayroon pa ring may mabubuting puso na handang tumulong sa kapwang higit na nangangailangan.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Mary Rose ng GMA News:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng pagiging isa sa mga maituturing na frontliner sa laban kontra sa COVID-19, isa rin ang grupo ng mga delivery riders ang madalas ngayong maloko o manakawan.

Read also

BF na nakatanggap ng mamahaling motorsiklo bilang birthday gift ng GF, viral

Matatandaang naiulat din ng KAMI ang isang delivery rider na nanakawan ng cellphone. Nabigyan din siya ng bagong unit matapos na mag-viral ang post tungkol sa kanya.

Kamakailan, nasa 23 na mga delivery riders naman ang nabiktima ng fake order ng isang 'nag-prank' lamang daw sa aktres na si Kris Bernal.

Itinuloy ni Kris ang kaso upang mabigyan ng leksyon ang gumawa nito hindi lamang sa kanya kundi maging sa isa ring aktres na si Angelica Dela Cruz at ilang miyembro ng SexBomb dancers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel