BF na nakatanggap ng mamahaling motorsiklo bilang birthday gift ng GF, viral

BF na nakatanggap ng mamahaling motorsiklo bilang birthday gift ng GF, viral

- Viral ang post ng nobya kung saan ipinakita nito ang kanyang regalo sa boyfriend na nagdiwang ng kaarawan

- Late na raw ang gift niyang ito gayung nahirapan pa siyang maghanap ng stock

- Kwento ng girlfriend, pitong taon na siya ng kanyang nobyo na naging napakabuti sa kanya

- Katunayan, noong siya ay nagkasakit, ito na raw ang bumuhay sa kanya lalo na at kinailangan niyang magresign sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napa-sana all ang mga netizens sa post ni Jamie Astrid Hidalgo kung saan ipinakita niya ang regalo niyang NMAX 155 sa nobyo niyang si John Paul Martinez.

Nalaman ng KAMI na late birthday gift ito ni Astrid sa nobyo gayung nahirapan umano siyang maghanap ng stock.

"Happiest Birthday babe!! Sorry delay ang gift, ang hirap kasi mag hanap ng stock huhu.."

Read also

Ralph Tulfo, sumusunod sa yapak ng amang si Raffy pagdating sa public service

BF, nakatanggap ng mamahaling motorsiklo bilang birthday gift ni GF
Photo: John Paul Martinez (Jamie Astrid Hidalgo)
Source: Facebook

Sa kanyang viral post, pinasalamatan din niya si John Paul at sinabing masuwerte raw siya sa nobyo.

Kwento pa ni Astrid, pitong taon na sila ni John Paul o "Pong". Nararapat lamang daw talagang makatanggap ito ng ganoong klaseng mamahalin na regalo dahil sa kabutihang ipinakita nito dala ng pagmamahal nito sa kanya.

"7 years napo kami and deserve niya pa more than that, kasi since nung nagkasakit ako and nag- resign sa work siya na po bumubuhay samin," pahayag ni Astrid.

Makikita naman ang saya ni Pong sa regalo na kanyang natanggap.

Samantala, karamihan sa mga nagkomento ay mga boyfriend o mister na nai-tag ang kanilang mga nobya o misis para bigyan daw ang mga ito ng ideya kung ano ang nais nilang matanggap na regalo.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Mommy, ito lang po kahit isakop mo ang papasko mo sa akin, anniversary na rin. Thank you"

Read also

Jomar Lovena, pinabulaanan ang bintang sa kanya kaugnay sa 1 milyong utang nya

"Babe, good boy naman ako saka pahihiramin naman kita. Kahit ito lang po"

"Wow! Love na love ni GF ang kanyang BF. Sana mabasa rin ito ng GF ko"

"Ayan, na-tag na kita para hindi ka na mahirapan sa birthday ko, dapat may ribbon din ha!"

"True love na yan kuya! Masuwerte po kayo... Bibihira ang babae na sila pa ang bibili niyan sa jowa nila"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nag-viral din kakaibang love story ng dalawang single na naging panauhin ng 'Bawal Judgmental' at nagpakilig noong Enero ng 2020 sa Eat Bulaga.

Matapos kasi ang pagkikita nila sa programa, muli silang nagkita at hindi nagtagal ay nagkamabutihan na rin.

Gayundin ang cute na love story na nagsimula lamang sa panghihiram ng tabo sa kapitbahay na naging daan upang makilala ng isang babae ang lalaking magpapatibok ng puso niya at magiging ama ng kanyang mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel