Jomar Lovena, pinabulaanan ang bintang sa kanya kaugnay sa 1 milyong utang nya

Jomar Lovena, pinabulaanan ang bintang sa kanya kaugnay sa 1 milyong utang nya

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Jomar Lovena kaugnay sa isyung kanyang kinasangkutan

- Hindi man binanggit ni Donnalyn Bartolome sa kanyang post tungkol sa YouTuber na nangutang sa kanya, siya ang tinuturo ng mga netizens

- Inamin naman niya na siya nga iyon ngunit iginiit niyang hindi siya nagsusugal kagaya ng mga binibintang sa kanya

- Nilinaw niya rin na naibalik niya na ang halagang kanyang hiniram at nakapag-usap na rin umano sila ni Donnalyn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagulantang sa ibinahagi ni Donnalyn Bartolome kamakailan na screenshot ng naging pag-uusap nila ng isang YouTuber na nanghiram sa kanya ng 1 milyong piso.

Nakatakip ang mga bahagi ng screenshot na naipapakita ang pangalan ng nasbing YouTuber ngunit marami sa mga netizens ang nagsabing si Jomar Lovena umano iyon.

Read also

Biker, nagulat nang ilibre siya ng buko juice ng batang nakasama sa pagpapahinga

Jomar Lovena, pinabulaanan ang bintang sa kanya kaugnay sa 1 milyong utang nya
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

Ilang araw ding nanahimik si Jomar sa kabila ng mga pambabatikos sa kanya. Sa unang pagkakataon ay binasag nito ang kanyang katahimikan at nilinaw niyang walang katotohanan ang bintang sa kanya na natalo siya sa sugal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naibalik niya na rin ang perang kanyang nahiram at pinasalamatan niya si Donnalyn sa kabutihan nito sa kanya. Aniya, kasalukuyan nang idinadaan sa legal na proseso ang tungkol sa pang iiscam sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber, at social media influencer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Kakaibabe, Paskong Wala Ka, Happy Breakup, Di Lahat at marami pang iba.

Read also

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.

Sa kabila naman ng maraming mga request ng fans, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate