Biker, nagulat nang ilibre siya ng buko juice ng batang nakasama sa pagpapahinga

Biker, nagulat nang ilibre siya ng buko juice ng batang nakasama sa pagpapahinga

- Viral ngayon ang post ng isang biker na nagulat sa batang bigla siyang inilibre ng nakatabing bata habang nagpapahinga

- Inakala niyang manghihingi ito ng pera ngunit inalok daw siya nito na uminom ng buko juice

- Inaya pa raw siya nitong mag-milk tea sa susunod nilang pagkikita

- Sa tuwa niya sa kabutihan ng bata, ibinigay niya ang dalang pera bilang tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang natuwa sa nakakaantig ng pusong kwento ni Clark Lynden Canlas sa Pampanga kung saan bigla siya siyang inilibre umano ng batang nakatabi niya sa pagpapahinga sa kanilang plaza.

Nalaman ng KAMI na katatapos lamang na mag-bike noon ni Clark nang mapansin siya ng sampung taong gulang na si John Angel Morales.

Akala pa ni Clark, hihingan siya ng pera ni John Angel. Kaya naman laking gulat niya nang alukin siya nito na uminom ng buko juice.

Read also

Mahal nangako kay Mura: "Kahit uugud-ugod na ako, ipapa-therapy pa rin kita"

Biker, nagulat nang ilibre siya ng buko juice ng nakatabing bata habang nagpapahinga
Buko juice (Photo from Flickr)
Source: UGC

Hindi naman tumanggi si Clark at pinagbigyan ang mabuting bata na tila napansin ang pagod niya sa pagbibisikleta.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikwento pa sa kanya ni John Angel na umeextra siya ng raket sa mga tindahan sa kanila para kumita ng pera kaya mayroon itong pambili ng buko juice.

Katunayan, inaya pa raw si Clark ng bata na mag-milk tea naman sa susunod nilang pagkikita.

Sa kanyang labis na pagkagalak sa kabutihan ng bata, ibinigay niya rito ang dala niyang pera.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento na naibahagi rin ng GMA News:

Matatandaang nitong Mayo, nag-viral din ang isang batang lalaki na bagaman at kapos sa pang-araw araw na mga kailangan ay nagawa pa rin na magbigay ng kalahating sako ng kamote sa kanilang community pantry. Dahil dito, dinagsa ang pamilya niya ng tulong kabilang na ang scholarship para sa kanya.

Read also

Isko Moreno sa pagiging isang Seiko Baby: "What's wrong with that?"

Gayundin ang isang batang lalaki na nagsauli ng pouch na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Labis siyang hinangaan sa pagiging matapat at marami rin ang nagpaabot sa kanya ng tulong.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica