Mahal nangako kay Mura: "Kahit uugud-ugod na ako, ipapa-therapy pa rin kita"
- Todo effort si Mahal para mabisita lang ang kanyang kaibigan at nakasama noon sa showbiz na si Mura
- Bukod sa tulong na ibinigay, nasabi ni Mahal na patuloy niyang susuportahan si Mura na kasalukuyan ngayong wala nang raket sa showbiz
- Naipangako rin ni Mahal ang pagpapa-therapy ni Mura na iniinda pa rin ang kanyang binti dahil sa pagkahulog sa tricycle
- Labis naman ang pasasalamat ni Mura kay Mahal na talagang sinadya pa siya sa Bicol upang makumusta siya at personal na iabot sa kanya ang tulong nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Maraming netizens ang humanga sa pagkakaibigan nina 'Mahal at Mura' na naitampok sa programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'
Nalaman ng KAMI na talagang sinadya pa ni Mahal si Mura sa kinaroroonan nito sa Guinobatan, Albay sa Bicol.
Kasama ni Mahal ang kaibigang si Mygz Molino, halos maligaw pa ito para lamang personal na makumusta at abutan ng tulong ang kaibigan.
Naging makulit ang kumustahan ng dalawa ngunit naging emosyonal nang magkwento na si Mura ng kanyang kalagayan ngayong wala na siya sa showbiz.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Iniinda pa rin kasi nito ang natamo niya sa aksidente sa pagkahulog sa tricycle, dahilan para hindi pa rin siya makalakad ng maayos.
Ito rin ang rason kung bakit makailang beses siyang inalok na bumalik sa pag-aartista ngunit nangangamba siyang 'di niya ito magagampanan ng maayos dahil sa kanyang hirap sa paglakad. Kaya naman hindi niya ito tinatanggap.
Nagtanim na lamang siya sa lupaing naipundar sa mga kinita niya noon sa showbiz.
Dahil dito, nangako naman si Mahal ang tutulungan ang kaibigan at nakapareha noon sa telebisyon at pelikula.
"'Yung pagte-therapy mo, kahit nag-uugod-ugod na ako, ipapa-therapy kita,” ani Mahal.
"Para kapag may raket iaalok kita, okay! Kapag halimbawa nawala ako sa mundo, mayroon akong kaunting naitulong sa'yo,” dagdag pa nito.
Si Allan "Mura" Padua ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura.
Ang vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" ng Virgelyncares 2.0 ang unang nakakita ng sitwasyon ng Mura sa Bicol. Inabutan niya ito ng tulong at ibinahagi sa publiko ang kalagayan ng dating komedyante.
Sa pinakahuli niyang pagbisita kay Mura, nabigyan niya ito ng Php100,000 na labis na ipinagpasalamat ni Mura na noon lamang daw muli nakahawak ng ganoon kalaking halaga.
Source: KAMI.com.gh