Mahal Tesorero, sasagutin ang pang-therapy ni Mura upang makalakad ito nang maayos

Mahal Tesorero, sasagutin ang pang-therapy ni Mura upang makalakad ito nang maayos

- Muling napaluha si Mura sa kanyang natanggap na tulong mula sa kanyang dating katambal na si Mahal Tesorero

- Bukod sa kanyang mga pinamiling mga grocery items, nagbigay din ito ng pera na aniya ay pandagdag sa allowance ng kaibigan

- Sasagutin din daw niya ang pang-therapy ni Mura kapag nakaluwas na ito sa Maynila upang makabalik na rin siya sa showbiz

- Abot-abot ang pasasalamat ni Mura sa mga natanggap niyang biyaya mula kina Mahal at Mygz Molino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nagdalawang-isip si Mahal Tesorero na sabihing sasagutin niya ang pang-therapy ni Mura kapag makapunta na ito sa Maynila. Ito ay upang mas makalakad na siya nang maayos at makatanggap na siya ng mga trabaho mula sa showbiz.

Mahal Tesorero, sasagutin ang pang-therapy ni Mura upang makalakad ito nang maayos
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Pinamili nina Mahal at Mygz si Mura ng ilang mga grocery items kasama na ang bigas. Ayon pa kay Mygz, limitado lamang ang kanilang napamili dahil mahirap umano ito dalhin sa bahay nila Mahal na malayo pa mula sa daanan kung saan nakakapasok ang mga sasakyan.

Read also

19-anyos na working student, hinangaan sa pagkakaroon ng sariling bahay

Kinailangang magpasundo si Mygz sa ilang mga kalalakihan upang madala nila ang mga napamioli sa bahay ni Mura.

Bukod dito ay may pera ding inabot si Mahal na aniya ay pandagdag sa panggastos ni Mura. Handa din siyang sagutin ang pang-therapy nito kapag makaluwas na siya sa Manila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang naantig sa mga sinabi ni Mahal sa kanyang kaibigan na lagi umano siyang handang tumulong kapag kailangan ni Mura ang kanyang tulong.

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga video niya kasama si Mygz Molino.

Read also

Mygz Molino, tinupad ang hiling ni Mura na magkaroon ng maaalagaang mga biik

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel