Mura, ikinuwento ang masayang pagbisita sa kanya ni Mahal; "Dito sila natulog"
- Ikinuwento ni Mura ang muling pagkikita nila ni Mahal nang bisitahin siya nito sa Bicol
- Kasama ang vlogger na si Mygz Molino, sinadya talaga ni Mahal na puntahan si Mura upang makita ang lagay nito
- Ayon kay Mura, doon daw natulog si Mahal at masaya siyang nakasama ito dahil wala silang ginawa kundi ang magkwentuhan at magtawanan
- Nilinaw din ni Mura na bukod sa vlogger na si Virgelyn, si Mahal pa lamang din ang nagpaabot ng tulong at bumista sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa pagbabalik ni Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" ng programang Virgelyncares, tinanong niya mismo si Mura kung totoo bang marami na ang nagbibigay sa kanya ng tulong.
Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa nabalitaan ni Virgelyn na may mga nag-aalok na ng bahay at lupa at ibang tulong kay Mura na wala pala umanong katotohanan.
Doon naikwento ni Mura na tanging ang kanyang nakapareha sa pelikula at telebisyon na si Mahal ang nagpadala ng tulong at kamakailan ay bumisita rin sa kanya.
Ayon kay Mura, masaya siya sa pagsadya at pangungumusta sa kanya ni Mahal kasama ang vlogger na si Mygz Molino.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Talagang hindi raw nagreklamo ang mga ito at doon na nagpalipas ng gabi sa kanila.
"Kahit maputik, pumunta sila dito umuulan noon e," kwento ni Mura na labis na nagpapasalamat sa pagpunta ng kanyang kaibigan.
"Sa kwarto ko natulog... Ang saya namin dito, tawa kami ng tawa," dagdag pa ni Mura.
Narito ang kabuuan ng video:
Si "Mura" na may tunay na pangalan na Allan Padua ay mula sa Albay, Bicol. Nakilala siya nang sumali sa isang segment sa 'Masayang Tanghali Bayan' ng ABS-CBN. Ipinakilala siya bilang kakambal ni "Mahal" kaya naman binigyan siya ng screenname na 'Mura'. Nang humina na ang kanilang tambalan, isinapubliko na ang tunay na kasarian ni Mura na isa pala umanong lalaki.
Samantala, Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isang sikat na vlogger sa Bicol na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan. Suportado rin siya ng mga overseas Filipino workers na siyang nagpapadala rin ng kanilang tulong.
Isa rin sa mga natulungan ni Virgelyn ay si Clara Matos, ang 17-anyos na raketera na nakapagpatayo ng bahay para sa kanilang mag-ama mula sa kanyang paglalako ng merienda at online business.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa.
Source: KAMI.com.gh