Mura, naiyak sa muling pagdalaw ng vlogger na may dalang ₱100,000 para sa kanya

Mura, naiyak sa muling pagdalaw ng vlogger na may dalang ₱100,000 para sa kanya

- Muling natulungan at napasaya ng vlogger na si Virgelyncares ang artistang si Mura

- Sa kanyang pagbabalik, handog niya kay Mura ang bahagi ng kinita niya sa video kung saan naitampok niya ito

- Naiyak din maging ang vlogger sa sarap daw umano ng kanyang pakiramdam na nakatulong siya kay Mura

- Labis-labis din ang pasasalamat ni Mura kay Virgelyn dahil ito ang naging daan upang mapaabutan pa siya ng tulong tulad ng dati niyang kapareha sa pelikula at telebisyon na si Mahal

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Talagang nagkaiyakan sina Mura at Virgelyn nang muli silang magkita at dalhin ng vlogger ang malaking surpresa niya para sa artista.

Nalaman ng KAMI na bagaman at mahirap tuntunin ang lugar ni Mura at tinatiyaga talaga itong puntahan ni 'Mama Virgelyn' ng programang Virgelyncares 2.0.

Read also

Mura, ikinuwento ang masayang pagbisita sa kanya ni Mahal; "Dito sila natulog"

Sa pagbabalik ni Virgelyn na may tunay na pangalan na Marco Rodriguez, handog niya kay Mura ang bahagi ng kanyang kinita sa Facebook at YouTube kung saan niya naitampok ang nagpapahinga munang artisita dahil sa iniinda niyang hirap sa paglalakad.

Mura, naiyak sa muling pagdalaw ng vlogger na may dalang ₱100,000 para sa kanya
Mura kasama ang kanyang ama at si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si 'Mama Virgelyn.' (Photo credit: Virgelyncares 2.0)
Source: UGC

Habang iniaabot ni Virgelyn ang Php100,000 hindi nila mapigilan ni Mura na maluha dala ng sobrang saya at sarap sa pakiramdam na natulungan nila ang isa't isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sarap sa pakiramdam na isang artista, naabutan ng isang vlogger. Sarap!" naiiyak na sinabi ni Virgelyn kay Mura.

Pinasalamatan din naman siya ng artista dahil kung hindi sa pagpunta at pagkumusta sa kanya ni Virgelyn, hindi rin siya mapaaabutan ng tulong ng iba tulad na lamang ng kanyang nakapareha noon sa pelikula at telebisyon na si Mahal.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel na Virgelyncares 2.0:

Read also

Mahal at Mura, kinaaliwan ng mga netizens sa kanilang muling pagkikita

Si Allan "Mura" Padua ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura na isa pala umanong lalaki.

Samantala, una nang nai-ulat ng KAMI ang pagbisita sa kanya ng kilalang matulungin na vlogger ng Bicol na si Virgelyncares, nagbigay na ito ng tulong pinansyal at baka para magamit sa sakahan ni Mura.

Ito kasi ang pangunahing layunin ng Virgelyncares 2.0 YouTube channel, ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan. Sinusuportahan din siya ng mga OFW na siyang nagpapadala rin ng kanilang tulong.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica