Mahal at Mura, kinaaliwan ng mga netizens sa kanilang muling pagkikita

Mahal at Mura, kinaaliwan ng mga netizens sa kanilang muling pagkikita

- Ibianahagi ni Mygz Molino ang muling pagtatagpo ng dating magka-tandem na sina Mahal Tesorero at Mura

- Minabuti nila ni Mahal na pasyalan si Mura matapos mag-viral kamakailan ang video kung saan ibinahagi ni Mura ang tungkol sa kanyang buhay sa probinsiya

- Kahit nahirapan sa kanilang pagpunta sa bahay nina Mura dahil sa malayo at maputik, nanatiling masiyahin si Mahal

- Taong 2019 numano nang huli silang nagkitang dalawa noong panahon ng eleksiyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang natuwa na sa wakas ay nagkita ang dating magkatambal na sina Mahal Tesorero at Mura nang sadyain nina Mahal at Mygz Molino ang tahanan ni Mura.

Dahil sa putik, kinailangang maglakad nila papasok at paakyat sa bundok papunta sa bahay ni Mura.

Mahal at Mura, kinaaliwan ng mga netizens sa kanilang muling pagkikita
Mahal at Mura (Screenshot mula kay Mygz Molino/YouTube)
Source: Instagram

Hindi naman hinayaan ni Mygz si Mahal at karga-karga niya ito sa maputik na daan upang hindi ito mahirapan.

Read also

Ethel Booba at Queen Inutz, nagpagalingan sa online selling

Si Mura naman ay binuhat din ng kanyang kaanak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang makarating sila sa bahay ni Mura, doon na muling nagkausap ng masinsinan ang dating magka-tandem.

Dito nabanggit ni Mura na pinadalhan pala siya nina Mahal ng pera na pinambili niya ng gatas.

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Samantalang si Mura o si Allan Padua sa totoong buhay ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala sa publiko bilang kakambal ni Mahal.

Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura. Naging bahagi siya kinalaunan ng ilang Kapuso shows kagaya ng Majika, Captain Barbell, Super Twins, at Magic Kamison

Read also

Mura, ikinuwento ang masayang pagbisita sa kanya ni Mahal; "Dito sila natulog"

Sa kasalukuyan, si Mahal ay pumasok na rin sa mundo ng vlogging kasama ang kanyang kaibigang si Mygz Molino. Minabuti ni Mygz kamakailan na linawin ang paratang na ginagamit lang umano niya si Mahal.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel