Mygz Molino, pinabulaanan ang bintang na ginagamit niya lang si Mahal

Mygz Molino, pinabulaanan ang bintang na ginagamit niya lang si Mahal

- Nagsalita na sa unang pagkakataon si Mygz Molino kaugnay sa pagpapauwi umano kay Mahal ng pamilya nito sa probinsiya

- Inalmahan niya ang paratang na ginagamit niya lang umano si Mahal kaugnay sa perang kinikita nito

- Nilinaw ni Mygz na hindi niya ginagamit si Mahal at nagtutulungan lamang sila para sa kanilang vlogs

- Matatandaang kamakailan ay inalamahan ni Mahal ang post ng isang kamag-anak niya tungkol sa umano'y panggagamit ni Mygz sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng YouTube channel ni Ogie Diaz na Ogie Diaz Showbiz Update, ibinahagi ni Mygz Molino ang kanyang pahayag kaugnay sa kontrobersiyal na social media post ng isang kamag-anak ni Mahal.

Mygz Molino, pinabulaanan ang bintang na ginagamit niya lang si Mahal
Mygz Molino and Mahal Tesorero (@mygz.molino)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jelai Andres, ipinasilip ang pangyayari sa likod ng camera sa OML taping

Para kay Mygz, hindi naman masisisi ang pamilya ni Mahal dahil hindi naman umano nila nakakasama si Mygz ngunit si Mahal daw ang makakapagsabi tungkol sa kanyang ginagawa para matulungan siya.

Nilinaw niyang hindi niya pinapakialaman ang mga bagay pagdating sa pera ni Mahal. Aniya napupunta sa account ni Mahal ang lahat ng kinikita niya at ang nagkakausap umano dito ay ang manager ni Mahal at ang kanyang papa at tita.

Hiling ni Mygz, sana raw ay maapreciate ng mga kamag-anak ni Mahal ang kanyang ginagawang tulong. Naniniwala umano siyang sa pagtutulungan nila ni Mahal, makakamit nila ang kanilang pangarap sa buhay.

Panuorin ang pahayag ni Mygz na nasa 21:44 na bahagi nitong video:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Read also

Wowie De Guzman, ibinahaging wala muna sa isip ang pakikipagrelasyon

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga video niya kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel