Batang nag-donate ng kamote sa kanilang pantry on wheels, muling nakatanggap ng biyaya
- Muling nakatanggap ng biyaya ang batang nag-donate ng kalahating sako ng kamote sa kanilang pantry on wheels
- Matatandaang nag-viral ang kabutihang ginawa ni Don-Don lalo na at wala silang hinihintay na kapalit
- Ngunit kusang dumarating ang biyaya at bukod sa mga paunang natanggap, muli na namang dinagsa ng surpresa ang pamilya ni Don-Don
- Bukod dito, sinigurado na ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan ng Occidental Mindoro ang full scholarship ni Don-Don hanggang siya ay makatapos ng pag-aaral
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muli na namang nakatanggap ng mga surpresa ang batang si Ornelo ‘Don Don’ Sinagmayon dahil sa kabutihang ipinamalas niya sa kanilang komunidad.
Matatandaang si Don-Don ang batang mangyan na nagbahagi ng kalahating sako ng kamote sa kanilang on-wheels na community pantry.
Nalaman ng KAMI na noong Mayo 6, nakatanggap muli si Don-Don ng biyaya mula sa Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan (KNL) ng Occidental Mindoro at iba pang mga donor na nakapansin sa kabutihan niya at ng kanyang pamilya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Una nang naibahagi ni John Christoper Lara, kasapi ng KNL na mabibigyan ng full-scholarship si Don-Don upang masiguro na matutupad ang pangarap niyang maging isang guro.
Ngunit bukod pa rito, patuloy ang pagdagsa ng tulong sa bata gayundin sa kanyang pamilya sa pakikipag-ugnayan ng donors sa KNL.
"Bukod sa kanyang scholarship, may mga bagong damit, school supplies, tsinelas, pagkaing de lata, bigas, kaunting grocery items, at vitamins na rin siya at ang kanyang buong pamilya!"
Mababakas ang labis na kaligayahan sa bata at makikita rin ang dami ng dumating na biyaya bilang sukli sa kabutihang puso ng kanilang pamilya na kahit hirap din sa buhay ay pinili pa rin na ibahagi ang kung ano ang meron sila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng update mula sa Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan (KNL) ng Occidental Mindoro:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nakatutuwang isipin na dumarami ang mga kababayan nating nagbabahagi ng kung anuman ang kanilang makayanan sa kani-kanilang community pantry.
Matatandaang nag-viral ang isang lalaki na inakalang naghihintay ng pagkain sa kanilang community pantry iyon pala, siya pa ang magbibigay ng Php46 na kanyang kinita sa paglalako ng ilang piraso ng bakal.
Gayundin ang isang ginang na bagaman at hirap sa buhay at may mga maliliit pang mga anak, naisipan pa ring ibahagi ang kanyang mga sariling tanim para sa kanilang community pantry.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh