Isko Moreno sa pagiging isang Seiko Baby: "What's wrong with that?"
- Muling naikwento ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang kanyang mga karansan sa showbiz nang makapanayam siya ni Toni Gonzaga
- Sinabi niyang kumikita siya ng may '6 digits' sa pagiging isang 'Seiko Baby' nang pasukin niya ang pagiging artista
- Para sa kanya, wala naman umano siyang nakikitang mali sa kanyang pinasok lalo na at wala siyang naperwisyong tao
- Inamin niyang nabago ang kanyang buhay nang madiskubre siya sa video ng isang burol na nagbukas ng pintuan sa mga bagong oportunidad para sa kanya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Muling naibahagi ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang kanyang kwento kung paano siya napasok sa showbiz nang makapanayam siya ni Toni Gonzaga para sa programa nitong 'Toni Talks.'
Nalaman ng KAMI na taong 1993 nang mahagip sa video ng isang lamay si 'Yorme Isko' na siyang naging daan para mabuksan ang oportunidad niya sa pagiging artista.
Produkto siya ng 'That's Entertainment' kung saan nag-audition siya kay German "Kuya Germs" Moreno.
Kalaunan, naging isa na siyang 'Seiko Baby' kung tawagin na gumagawa ng mga sexy films.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ani Yorme Isko, wala siyang nakitang masama sa kanyang napasok na trabaho.
"What's wrong with that? "Wala naman akong pinerwisyong kapwa ko, basta ako, trabaho," paliwanag niya.
Naikwento rin niyang nasa '6 digits' din ang halagang kinikita niya noon na malaking bagay talaga sa kanila lalo na at aminado siyang laki sa hirap.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Toni Gonzaga mula sa YouTube channel nitong 'Toni Gonzaga Studio':
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
Ibinida kamakailan ni Yorme ang mga housing projects niya na labis na ikinatuwa ng mga Manilenyong dati lamang na nangangarap na magkaroon ng maayos at disenteng tirahan. Mala-condominium talaga ang mga disenyo ng tirahan para sa mga batang Maynila.
Samantala, kasalukuyan namang nakikipaglaban sa COVID-19 si Yorme Isko kaya namang hiling ng marami ang madalian niyang paggaling.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh