Isko Moreno, balak magretiro sa edad na 50; "gastadong-gastado na ako"

Isko Moreno, balak magretiro sa edad na 50; "gastadong-gastado na ako"

- Nabanggit ni Mayor Isko Moreno ang balak niyang pagreretiro sa edad na 50

- Ito ay matapos na maitanong ni Toni Gonzaga sa kanya kung may balak itong tumakbo sa pinakamataas ng posisyon sa bansa, ang pagiging pangulo ng Pilipinas

- Ayon kay Isko, sampung taon pa lamang siya nang masabak na sa pagtatrabaho kaya naman pakiramdam niya'y 'gastadong-gastado' na umano siya ngayong nasa edad na 46

- Gayunpaman, masaya niyang ibinahagi ang lahat ng pinagdaanan at kailanman ay hindi siya nakagawa ng masama sa takot niya sa kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga naitanong ni Toni Gonzaga sa panayam niya kay Mayor Isko Moreno ay kung hanggang kailan siya maglilingkod sa publiko.

Nalaman ng KAMI na ito ay kasunod ng katanungan kung mayroon nga bang balak na tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa si 'Yorme Isko' para sa darating na 2022 Elections.

Read also

Mayor Isko Moreno, inspirasyon ang sariling karanasan sa housing projects sa Maynila

"There is time for that, and I will be honest to the people and be fair at the very least by saying it on the right time."
Isko Moreno, balak magretiro sa edad na 50; "gastadong-gastado na ako e"
Mayor Isko Moreno (Photo credit: Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook

"Today, mauna na kayo, atat kayo e!" dagdag pa ni Yorme Isko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nasabi niyang balak niyang magretiro pagpatak niya ng edad na 50 gayung 46 taong gulang na siya ngayon.

"Tantsa ko sana 'pag dating ko ng singkwenta pahinga na ako... within that range."

Paliwanag ni Mayor Isko, sampung taong gulang pa lamang siya nang mamulat sa pagtatrabaho kaya naman nilarawan niya ang sarili na 'gastadong-gastado na'.

"Kumbaga sa makina ng kotse, pang-overhaul na ako," ayon kay Yorme.

Masaya rin niyang ibinahagi kay Toni ang iba pa niyang karanasan sa buhay mula pagkabata hanggang sa maging artista at ngayong isa sa mga kinikilalang mahuhusay na lider sa bansa.

Read also

Isko Moreno sa pagiging isang Seiko Baby: "What's wrong with that?"

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa YouTube channel na Toni Gonzaga Studios:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Una nang naiulat ng KAMI ang reaksyon ni Mayor Isko patungkol sa pagiging isa niyang 'Seiko baby'. Aniya, wala siyang nakitang masama sa pinasok na trabaho noon gayung wala siyang pinerwisyong tao dahil dito.

Samantala, kasalukuyan namang nakikipaglaban sa COVID-19 si Yorme Isko kaya namang hiling ng marami ang madalian niyang paggaling.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica