Mayor Isko Moreno, inspirasyon ang sariling karanasan sa housing projects sa Maynila

Mayor Isko Moreno, inspirasyon ang sariling karanasan sa housing projects sa Maynila

- Naibahagi ni Mayor Isko Moreno na mismong ang sarili niyang karanasan sa Maynila ang naging inspirasyon sa mga proyekto sa pabahay

- Inalala niya ang pangaral sa kanya ng kanyang ina na magsikap na magkaroon ng sarili at maayos na tirahan

- Ang mga housing projects niya ngayon sa kanilang lungsod ang isang katuparan sa mga pangarap ng mga tulad niyang 'batang Maynila'

- Nagpapapasalat din siya umano sa oportunidad na maisakatuparan ang pangarap na iyon ng bawat 'Manilenyong' tulad niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga naibahagi ni Mayor Isko Moreno Domagoso ng Lungsod ng Maynila sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ay ang tungkol sa mga housing projects niya na tila naging inspirasyon ang sarili niyang karanasan.

Nalaman ng KAMI na isa rin sa mga naipangaral at naging pangarap ng ina ni 'Yorme Isko' para sa kanya ay ang pagkakaroon ng sariling bahay.

Read also

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Mayor Isko Moreno, inspirasyon ang sariling karanasan sa housing projects sa Maynila
Manila Mayor Isko Moreno (Photo credit: Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook
"Hindi baleng mahirap ka, you give dignity to yourself. 'Wag kang yung kalabit penge. Magsikap ka.
"Tapos sabi niya pag dating ng araw, bumili ka ng sarili mong iyo, para umula't bumagyo, may masisilungan ka. Siyempre as a parent, gusto rin niyang magkaroon kami ng sariling amin," pagbabalik tanaw ni Mayor Isko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman ang mga housing projects sa kanilang lungsod ngayon tulad ng 'Basecommunity' at mga 'Tondominium' ay masasabi niyang katuparan sa minsan nilang pinangarap ng kanyang pamilya.

"It addresses the same story of mine na mayroong mga nanay at tatay na walang inisip yan kundi ang magkaroon ng bahay 'yung kanilang pamilya."

Dahil dito, 'grateful' at nagpapasalamat si Mayor Isko sa oportunidad na naisasakatuparan niya ang tahanang hangad ng mga 'batang Maynila' na tulad niya.

Read also

Ogie Diaz, aminadong nasaktan sa mga fans noon ni Charice Pempengco

Narito ang kabuuan ng panayam mula YouTube channel na Toni Gonzaga Studios:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Ibinida kamakailan ni Yorme ang mga housing projects niya na labis na ikinatuwa ng mga Manilenyong dati lamang na nangangarap na magkaroon ng maayos at disenteng tirahan. Mala-condominium talaga ang mga disenyo ng tirahan para sa mga batang Maynila.

Samantala, kasalukuyan namang nakikipaglaban sa COVID-19 si Yorme Isko kaya namang hiling ng marami ang madalian niyang paggaling.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica