Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

- Emosyonal na humarap sa kanyang vlog ang YouTuber na si Via Austria

- Inamin niya ang problemang kinakaharap ng kanyang pamilya sa ngayon

- Ibinahagi rin niya na isinasaayos naman nila ang problema at sisikapin niyang ibalik ang 'dating Mommy V' na minahal ng publiko

- Matatandaang mas lalong sumikat si Via nang madalas na i-duet ng dating Gwapings member na si Eric Fructuoso ang kanyang mga TikTok videos

- Hanggang sa tuluyang naging magkasosyo sila sa negosyong 'Gwapigs'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kakaibang Via Austria o mas kilala bilang si 'Mommy V' ang humarap sa kanyang YouTube channel nitong Agosto 21.

Nalaman ng KAMI na naglabas ng saloobin si Mommy V sa kanyang vlog at inaming humaharap sa matinding pagsubok ang kanyang pamilya.

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"
Si Via Austria o mas kilala bilang si 'Mommy V' (@viaaustria)
Source: Instagram

Sa umpisa pa lang ng video "Gusto ko lang mag-sorry" na kaagad ang kanyang nasabi.

Read also

19-anyos na working student, hinangaan sa pagkakaroon ng sariling bahay

Nakiusap din siyang huwag nang alamin pa ang buong detalye ng isyu at ibalato na lamang daw ito sa kanila ng kanyang mister na nakilala naman bilang si Daddy Al.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Tinatanong ko nga minsan sarili ko, anong nangyari? bakit hindi ka makuntento sa kung ano 'yung meron ka sa ngayon"

"Na-distract ako, yes. Dumating sa point na nakalimutan ko talaga kung sino yung, kung ano at sino yung dapat kong i-priority na dapat pamilya ko, mga anak ko, at yung asawa ko," ang naiiyak nang nabanggit ni Mommy V.

Buong tapang din niyang inamin na naligaw siya subalit sinabing inaayos na niya ang matinding pagsubok na ito sa kanilang pamilya.

Bago matapos ang kanyang vlog, nagpasalamat pa rin si Mommy V sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya at sa kanilang pamilya.

Read also

Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan

Si Via Austria o mas kilala bilang si Mommy V ay isang content creator sa bansa na mayroon nang 842,000 subscribers sa kanyang YouTube channel. Marami ang natuwa sa kanya dahil sa mga vlogs niya tungkol sa kanilang pamilya kasama ang dalawang anak at mister na si "Daddy Al."

Mas lalong nakilala si Mommy V nang madalas na maka-duet niya sa mga TikTok videos ang aktor at dating miyembro ng 'Gwapings' na si Eric Fructuoso.

Kalaunan, naging mag-business partners sila sa restaurant na 'Gwapigs.'

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel