Jamill, ipinaliwanag ang buradong YT channel; "Gusto na lang namin ng simpleng buhay"

Jamill, ipinaliwanag ang buradong YT channel; "Gusto na lang namin ng simpleng buhay"

- Agad na nagpaliwanag ang magkasintahang vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ukol sa kanilang buradong Youtube channel

- Nais na lamang umano ng tambalang 'Jamill' ng simple at pribadong buhay

- Isa rin daw itong patunay na kahit mawala ang kanilang youTube channel ay matatag pa rin ang kanilang pagmamahalan at pagsasama

- Nilinaw nila na hindi umano na-hack ang kanilang channel at nakiusap silang unawain na lamang ang kanilang naging desisyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglabas na ng paliwanag ang kilalang YouTube at real-life couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ng 'Jamill' ukol sa binura na nilang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na mismong ang dalawa ang humarap sa kanilang mga 'Kaigan' at mga 'Mandirigma' upang ipaliwanag ang kanilang napagdesisyunan.

Ito ay upang makaiwas daw sa mga fake news sa posibleng dahilan ng biglaang pagbura ng kanilang channel na mayroon nang milyon-milyong subscribers.

Read also

Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan

JaMill, ipinaliwanag ang buradong YT channel; "Gusto na lang namin ng simpleng buhay"
Sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad (Screengrab from FB video of Jamill)
Source: Facebook

Sa video na kanilang in-upload, ipinaliwanag ni Jayzam na gusto na lamang nilang bumalik sa simpleng buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Gusto namin kami na lang nakakakita sa relasyon namin," panimula ni Jayzam.

Ayon din kay Camille, ayaw na nila ng kasalukuyan nilang nararamdaman na 'pressure' na tila umiinog na lamang umano ang kanilang relasyon sa YouTube.

"Sobrang saya nang naexperience namin sa YouTube pero this time mas priority na namin ang Relasyon namin dalawa. Gusto namin Habang buhay talaga kaming nag mamahalan mga Kaigan."

Ito na rin ang kanilang paraan upang patunayan na totoo ang relasyon nila sa likod man ng camera.

Nakiusap din silang unawain at irespeto na lamang ang kanilang napagkasunduang desisyon.

Mapapanood ang kabuuan ng kanilang pahayag sa kanilang Facebook page na 'Jamill.'

Kinumpirma na rin ito ni Camille sa kanyang Twitter:

Read also

Jamill, sinubukang ibalik ang YT channel: "Nabalitaan namin 'di na daw mababalik"

Ang influencer couple na 'Ja Mill' ay binubuo ng magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Isa ang kanilang tambalan sila sa maituturing na matagumpay ng YouTube couple sa bansa na nagkaroon ng 12.3 million subscribers.

Matatandaang humarap din sa matinding kontrobersiya ang kanilang tambalan dahil sa umano'y naging third party ng kanilang relasyon gayundin ang ilang reklamo sa kanila na nakarating pa sa programang Raffy Tulfo in Action.

Gayunpaman, nalampasan parin ng tambalan ang mga pagsubok na ito gayung nadagdagan pa sila ng daan-daang libong subscribers matapos ang kontrobersiya.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica