Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan

Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan

- Patuloy ang paghahatid ng good vibes ang vlogger couple na sina Mariano G at Cindy

- Ito ay sa kabila ng ilang mga pangungutya sa kanilang relasyon

- Kamakailan, kumuha pa umano ng sariling matitirahan ang dalawa at pinakitang matatag ang kanilang relasyon

- Sa kanilang vlog, naibahagi nila ang kaganapan sa paglipat sa kanilang bahay sa loob lamang ng nasa sampung buwan na pagiging magkasintahan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang humanga sa relasyon mga vlogger na si Mariano "Yano" Lingay at girlfriend nitong si Cindy.

Nalaman ng KAMI na nagsimula lamang ang pagtitinginan ng dalawa nang i-duet ni Cindy ang TikTok video ni Mariano.

Napansin naman ito ng lalaki at nagpadala ng personal message kay Cindy para makuha ang Facebook nito.

Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan
Sina Mariano Lingay at girlfriend na si Cindy (Photo credit: Mariano g tv)
Source: Facebook

Ikinukwento ni Cindy sa panayam sa kanila ng Stories of Hope ng GMA News and Public Affairs, na matiyagang nanligaw sa kanya ang vlogger na pinupuntahan talaga siya mula Pampanga papuntang Maynila.

Read also

Jamill, sinubukang ibalik ang YT channel: "Nabalitaan namin 'di na daw mababalik"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Saksi ang pamilya ng babae sa effort na ginawa ni Mariano na siyang naging dahilan kung bakit nagkamabutihan na talaga sila ni Cindy.

Aminado ang dalawa na marami rin silang natatanggap na pambabatikos dahil sa pisikal na katangian ni Mariano na isa umanong Katutubong Aeta.

Nasasaktan umano si Cindy sa tuwing mababasa niya ang mga komento tulad ng "beauty and the beast" ngunit kailanma'y hindi nila pinatulan ang mga bashers na ito.

Sa halip, patuloy lamang sila sa pag-upload ng mga nakakaaliw na kaganapan sa kanila bilang magkasintahan.

Kamakailan, ibinahagi nila ang kanilang paglipat sa rerentahang bahay kung saan magkasasama na silang dalawa sa loob ng nasa sampung buwan na pagiging magkasintahan.

Narito ang kabuuan ng kanilang video mula sa YouTube channel na Mariano G TV:

Read also

Madam Inutz, sinabi kay Ogie Diaz na kailanma'y 'di lalaki ang ulo niya; "Ibahin mo ako kuya"

Bukod kina "Mariano G" at Cindy, ilan sa mga kilalang vlogger couple ay sina Cong Velasquez at Viy Cortez gayundin sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ng 'Jamill.'

Subalit nito lamang Agosto 18, napansin ng kanilang mga tagasubaybay na burado na umano ang YouTube channel ng 'Jamill.'

Ipinaliwanag ng magkasintahan sa kanilang Facebook page ang dahilan ng pagtatanggal nila ng kanilang channel at nais na lamang daw nilang maging simple at pribado sa kanilang relasyon.

Sinubukan din umano ng dalawa na ipabalik sa YouTube ang kanilang channel para sana makapagpaalam ng maayos sa kanilang mga "Kaigan" at mga "Mandirigma" ngunit hindi na ito naibalik pa.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel