Madam Inutz, sinabi kay Ogie Diaz na kailanma'y 'di lalaki ang ulo niya; "Ibahin mo ako kuya"

Madam Inutz, sinabi kay Ogie Diaz na kailanma'y 'di lalaki ang ulo niya; "Ibahin mo ako kuya"

- Nakapanayam ni Ogie Diaz ang viral na online seller na si Madam Inutz

- Maraming naibahagi na mga pinagdaanan sa buhay si Madam Inutz na siya umanong nagpatatag sa kanya ngayon

- Aminado hindi siya makapaniwala sa tinatamasang tagumpay sa ngayon

- Dahil dito, naitanong sa kanya ni Ogie na baka ikalaki ng ulo ni Madam Inutz ang tinatamasang kasikatan ngunit itinanggi niyang mangyayari ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang seryoso at kapupulutan ng aral na panayam ang ginawa ni Ogie Diaz sa viral na online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz.

Nalaman ng KAMI na maraming naikwento si Daisy kay Ogie na halos hindi aakalain ng iba na pinagdaanan niya.

Aniya, sanay sila sa hirap lalo na at malaki ang kanilang pamilya kung saan siyam silang magkakapatid na itinaguyod ng kanyang mga magulang.

Read also

Ogie Diaz, humanga sa kwento ng buhay ni Madam Inutz; "Nakakatuwa ka!"

Madam Inutz, sinabi kay Ogie Diaz na kailanma'y 'di lalaki ang ulo niya; "Ibahin mo ako kuya"
Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Kaya naman nang makapagtrabaho, ni minsa'y hindi niya ipinagdamot ang kanyang biyaya na laging nakalaan sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa ni Madam Inutz, halos hindi pa rin umano siya makapaniwala sa sunod-sunod na biyayang tinatamasa dahil lamang sa makulit niyang paraan ng pagla-live selling.

Marami raw siyang napapasayang tao kaya naman umabot na ng 2 million ang kanyang followers sa kanyang page na iniingatan na niya ngayon. Madalas daw itong nare-report dahil sa kanyang istilo ng pagbebenta na may kasamang pagmumura.

Dahil dito, naitanong sa kanya ni Ogie Diaz na dahil sa sikat na siya ngayon, baka ito raw ang maging dahilan ng paglaki ng kanyang ulo.

"Ay never, never... ibahin mo ako kuya!" agad na sagot ni Daisy.
"Kasi nagkapera rin naman ako, hindi man milyon ang nahawakan ko, kahit papano nagkapera rin ako," paliwanag ni Madam Inutz.

Read also

Madam Inutz, nagsisikap para di makuha ang bunso ng ama nito; "Ipaglalaban ko"

Mapapanood ang kabuuan ng makabuluhan niyang pag-uusap sa Ogie Diaz YouTube channel.

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Kamakailan, agad na inanunsyo ni Madam Inutz ang pag-alis niya sa Star Image, halos dalawang araw pa lamang mula nang pumirma siya ng kontrata sa nasabing management.

Ito ay dala umano ng mga komento at payo sa kanya ng netizens, kaibigan at pamilya lalo na at may ilang mga nakita agad silang kamalian umano sa kontratang agad niyang napirmahan.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel