Madam Inutz, nagsisikap para di makuha ang bunso ng ama nito; "Ipaglalaban ko"

Madam Inutz, nagsisikap para di makuha ang bunso ng ama nito; "Ipaglalaban ko"

- Maraming naibahagi si Madam Inutz kay Ogie Diaz tungkol sa mga pinagdaraanan niya sa buhay

- Isa na rito ang balak ng kanyang ex-boyfriend na makuha ang bunso niyang anak na babae

- Lalo na at wala raw umano siyang stable na trabaho noon kaya isa ito umano sa mga dahilan kung bakit siya nagsisikap

- Kaya naman malaking bagay ang mga biyayang dumating sa kanya at mayroon siyang masasabi na maayos na pinagkakakitaan na siyang ipinangtataguyod sa mga anak at iba pang mga mahal sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makabuluhan ang naging panayam ni Ogie Diaz sa viral online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga dahilan ng pagsisipag ni Madam Inutz ay ang kanyang anak na babae na nais makuha ng ama nito.

Read also

Ogie Diaz, humanga sa kwento ng buhay ni Madam Inutz; "Nakakatuwa ka!"

Naikwento kasi ni Daisy kay Ogie na tatlo ang kanyang anak. Ang dalawang nauna ay anak niya sa naging asawa ngunit annulled na sila nito.

Madam Inutz, nagsisikap para di makuha ang bunso ng ama nito; "Ipagalalaban ko"
Photo: Madam Inutz (Daisy_Licious Ukay)
Source: Facebook

Ang bunso na babae ay anak niya sa naging nobyo na foreigner.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil wala siyang stable na trabaho, nais na sanang kunin ng kanyang dating nobyo ang kanilang anak.

"Wala akong stable na trabaho so nagpaplano yung ex ko na kunin yung bunso ko, dun ako kinakabahan. Kasi ayaw ko namang mawala yung anak kong babae"

Isa ito sa matinding pangamba ni Daisy na aniya'y ipaglalaban niya talaga.

Kaya naman, laking pasalamat niya nang unti-unting dumarating ang mga biyaya sa kanya dahil lamang sa nakilala siya sa pagiging makulit sa kanyang mga live selling.

"'Pag dating sa korte, pano mo bubuhayin anak mo? Saan kayo titira wala nga kayong properties so 'yun ang gusto kong target ko ngayon," paliwanag ni Madam Inutz.

Read also

Madam Inutz, piniling manirahan kasama ang magulang kaysa sa condo na offer ng dating BF

"Mawala na lahat ng lalaki sa buhay ko 'wag lang yung taong mahal ko, yung pamilya ko, yung mga anak ko," emosyonal na pahayag ng sikat na online seller.

Mapapanood ang kabuuan ng kanyang pahayag sa Ogie Diaz YouTube channel

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Sa unang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Madam Inutz, sinabi nitong kailanma'y hindi lalaki ang kanyang ulo dahil sa tinatamasang tagumpay.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel