Queen Inutz, emosyonal nang bigyan ni Wilbert Tolentino ng ₱200,000

Queen Inutz, emosyonal nang bigyan ni Wilbert Tolentino ng ₱200,000

- Talagang napaiyak ang viral online seller na si Queen Inutz nang i-surpresa siya ni Wilbert Tolentino

- Kasama pa ni Wilbert si Herlene 'Hipon Girl' Budol na nagpasaya naman sa ina ni Queen Inutz at napapanood daw niya ito sa Wowowin

- P100,000 ang nilaan ni Wilbert para sa ina ni Madam Inutz at binigyan din niya ang vlogger ng isa pang P100,000 para umano sa negosyo nito

- Bukod pa rito, nangako rin si Wilbert tutulong din sa therapy ng ina ni Madam Inutz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging emosyonal si Queen Inutz nang surpresahin siya ni Wilbert Tolentino kasama si Herlene "Hipon Girl" Budol.

Nalaman ng KAMI na talagang nagsadya sina Wilbert na magtungo kay Queen Inutz upang personal na iabot dito ang tulong niyang umabot sa Php200,000.

Read also

Atty. Libayan, hinimay ang legal na aspeto ng pagbitiw ni Madam Inutz sa Star Image

Ipinakilala din ni Madam Inutz si Wilbert sa kanyang ina na siyang dahilan ng kanyang pagsusumikap sa kanyang online ukay-ukay business.

Queen Inutz, emosyonal nang bigyan ni Wilbert Tolentino ng ₱200,000
Daisy Lopez mas kilala bilang si Queen Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

At nang iabot na si Wilbert ang isang bugkos ng pera kay Madam Inutz, maging ang ina nito ay naluha sa sobrang kasiyahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Php100,000 ang inabot ni Wilbert para sa pagpapagamot ng ina ni Madam Inutz. At para naman daw sa pagpapalago ng negosyo at iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya, nagbigay pa muli ng Php100,000 si Wilbert.

Labis-labis ang pasasalamat ni Madam Inutz sa napakalaking biyayang kanyang natanggap.

Aniya, wala mang nagma-mine, napapasaya naman ang mga nanonood ng kanyang live selling, dahilan para siya ay makilala at dagsain ng tulong tulad ng ibinigay sa kanya ni 'Sir Wil.'

Narito ang kabuuan ng video mula sa Wilberto Tolentino Vlogs:

Read also

Madam Inutz, emosyonal sa biglaang pagdagsa ng mga biyaya; "Parang di ako makapaniwala"

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Samantala, sa kanyang Facebook, una na niyang naibahagi ang mga larawan ng pagbisita sa kanya nina Ethel at Donita.

Sa mga larawan pa lamang, maraming fans ang na-excite sa mas marami pang video kung saan magkakasama-sama ang tatlo at iba pang mga komedyante na makapagbibigay saya sa publiko lalo na sa panahon ng pandemya.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel