Madam Inutz, emosyonal sa biglaang pagdagsa ng mga biyaya; "Parang di ako makapaniwala"

Madam Inutz, emosyonal sa biglaang pagdagsa ng mga biyaya; "Parang di ako makapaniwala"

- Talagang napaiyak si Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' sa mga sunod-sunod niyang biyaya na natatanggap kamakailan

- Matapos kasing mag-viral ang kanyang online selling videos na wala raw nagma-mine, marami ang nakapansin sa pagiging likas na komedyante niya

- Hindi raw akalain ni Madam Inutz na maging ang kanyang pagbibiro at pagiging totoo sa sarili ay magpapabago ng kanyang buhay

- Dahil sa mga biyaya at tulong na natatanggap, maipapa-therapy na niya ang kanyang ina at mabibili na nila ang pinag-iipunang lupa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Labis-labis ang pasasalamat ng viral online vlogger na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz sa sunod-sunod na biyaya na kanyang natatanggap.

Nalaman ng KAMI na maraming mga artista at vlogger na bumisita sa kanya matapos mag-viral ang mga online selling videos niya.

Read also

Honor student ng 'piso-piso para sa laptop', ibinahagi na lang ang nalikom

Isa na rito si Wilbert Tolentino na nagbigay ng Php200,000 kay Madam Inutz para sa negosyo nito at pagpapagamot ng kanyang ina.

Madam Inutz, emosyonal sa biglaang pagdagsa ng mga biyaya; "Parang di ako makapaniwala"
Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz (Photo from: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Dahil dito, naiyak talaga sa pasasalamat si Madam Inutz na hindi raw makapaniwala sa mga tulong na natatanggap dahil sa wala raw nagma-mine ng kanyang mga paninda sa 'Daisy_licious Ukay' niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Parang hindi ako makapaniwala, alam mo yung simpleng pagsasabi mo ng P word sa camera 'yun din pala magpapabago ng buhay ko"

Aniya, sa simpleng pagbibiro niya na para sa kanya'y natural na sa kanya, marami pala siyang napapatawang tao lalo na ngayong pandemya.

Subalit siyempre, kailangan din niyang kumita kaya naman panay ang kanyang banggit na sana ay may mag-mine ng kanyang mga paninda.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Wilbert Tolentino Vlogs:

Read also

Madam Inutz, dinaig sa spelling si Ethel Booba: "Lalabanan kita diyan!"

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Kamakailan, agad na inanunsyo ni Madam Inutz ang pag-alis niya sa Star Image, halos dalawang pa lamang mula nang pumirma siya ng kontrata sa nasabing management.

Ito ay dala umano ng mga komento at payo sa kanya ng netizens, kaibigan at pamilya lalo na at may ilang mga nakita agad silang kamalian umano sa kontratang agad niyang napirmahan.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel