Madam Inutz, umalis na sa Star Image: "Magulo, as in magulo"

Madam Inutz, umalis na sa Star Image: "Magulo, as in magulo"

- Nag-Live sa kanyang Facebook page si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Queen Inutz upang ipaalam sa publiko na umalis na rin agad siya sa Star Image

- Paliwanag ni 'Madam Inutz', mayroong nagmagandang loob na nagpayo at tumulong sa kanya upang mas maipaliwanag ang laman ng kanyang kontrata

- Aminado siyang na-overwhelm lamang sa biglaang mga kaganapan ngunit mayroon din siyang nakitang mga kamalian umano sa umpisa pa lamang

- Gayunpaman, pinasalamatan pa rin niya ang Star Image na una umanong nagbukas ng pinto ng oportunidad sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dalawang araw lamang mula ng isa-publiko ng viral na online seller na si Daisy Lopez o mas kilala na si 'Madam Inutz,' na pumirma na siya sa ilalim ng Star Image Management, sinabi niyang umalis na rin siya agad dito.

Read also

Ethel Booba at Queen Inutz, nagpagalingan sa online selling

Nalaman ng KAMI na nag-live mismo si Madam Inutz sa kanyang Facebook page na Daisy_licious Ukay upang ipaliwanag ang mabilisang desisyon na umalis agad sa Star Image.

Madam Inutz, umalis na sa Star Image; "Magulo, as in magulo"
Madam Inutz (Photo: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

"Wala munang shoutout ngayon... May special announcement lang tayo," panimula ni Madam Inutz.

"Ito ay tungkol sa maling desisyon ko, maling ginawa ko dahil sa alam niyo na mabilisang pangyayari sa buhay ko"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa sandamakmak na komentong natanggap niya sa mga netizens, hiningi rin umano ni Madam Inutz ang opinyon ng kanyang pamilya at mga kaibigan kung ano ang pinakamainam niyang gawin sa kanyang 'biglaang' desisyon.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na umalis na ako sa Star Image"

May nagbigay din umano sa kanya ng suhestyon na humingi sa Star Image ng kontrata upang ito ay mas maipaunawa ng may kaalaman dito.

Read also

Viral online seller na si 'Queen Inuts', naka-bonding sina Ethel Booba at Donita Nose

Kumausap na rin umano ng abogado si Madam Inutz na siyang tumulong at nagbigay linaw sa nilalaman ng kanyang pinirmahan.

"Walang expiration 'yung kontrata ko kumbaga nag-deal kami ng 4 years. Halimbawa na wala kang project, 1,2,3 years wala... nganga!"

Aniya, walang kongkretong plano ang nasabing management sa kanya.

"Sa mga dokumento, na-confuse ako. Kasi unang-una pumirma ako ng kontrata, ang passport ko paso. pero tinanggap nila."
"And then, tinanong nila ako kung ok lang ba na kunin nila 'yung phone number ko para sila na 'yung sumagot ng mga calls na natanggap niyo. Ngayon, hindi na po ako ang sumasagot 'non."
"Dun palang parang alam niyo 'yun, magulo as in magulo."

Gayunpaman, pinasalamatan pa rin naman ni Madam Inutz ang Star Image na siyang unang nagbukas ng pinto ng oportunidad sa kanya.

Nakiusap din umano siya sa mga netizens na huwag na munang magbigay ng anumang 'di magagandang komento.

Read also

Maris Racal, aminadong natakot sa iisipin ng tao tungkol sa kanila ni Rico Blanco

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa kanya at sinabi niyang natuto siya sa mga pangyayari.

Narito ang kabuuan ng video ni Madam Inutz:

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya. Ilang araw matapos ang viral video, ibinahagi ni Queen Inuts ang blessing sa kanya kung saan pumirma na siya umano ng kontrata sa Star Image.

Samantala, sa kanyang Facebook, una na niyang naibahagi ang mga larawan ng pagbisita sa kanya nina Ethel at Donita.

Sa mga larawan pa lamang, maraming fans ang na-excite sa mas marami pang video kung saan magkakasama-sama ang tatlo at iba pang mga komedyante na makapagbibigay saya sa publiko lalo na sa panahon ng pandemya.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel