Maris Racal, aminadong natakot sa iisipin ng tao tungkol sa kanila ni Rico Blanco

Maris Racal, aminadong natakot sa iisipin ng tao tungkol sa kanila ni Rico Blanco

- Inamin ni Maris Racal na sa umpisa'y natakot siya sa magiging reaksyon ng publiko sa relasyon nila ni Rico Blanco

- Madalas na raw nila itong mapag-usapan bago pa nila ipaalam at tuwing nangyayari ito, aminado si Maris na nakararamdam siya ng pressure

- Isa umano sa dahilan ay ang nilarawan niyang 'strange relationship' nila ni Rico dahil umano sa kanilang edad

- Ngunit malaki umano ang pasalamat niya sa hindi niya inaasahang pagtanggap sa kanila ng mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminado si Maris Racal na nakararamdam siya ng takot tuwing mapapag-usapan nila noon ni Rico Blanco ang pag-amin sa kanilang relasyon.

Nalaman ng KAMI na bago pa man ang pandemya, nagsimula na ang kanilang relasyon na sa tuwing kanilang mapag-uusapan, nakakaramdam noon ng pressure si Maris.

"Natatakot talaga ako, napi-pressure ako, natatakot ako sa kung ano ang sasabihin ng mga tao... Strange kasi 'yung relationship namin because of the age gap."

Read also

Maris Racal, ibinuking na 'before pandemic' pa nagsimula ang relasyon nila ni Rico Blanco

Maris Racal, aminadong natakot sa reaksyon ng publiko sa relasyon nila ni Rico Blanco
Maris Racal (Photo: @mariesteller)
Source: Instagram

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya sa hindi inaasahang pagtanggap sa kanila ng publiko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I'm really really surprised sa reaction nila. 'Di ko ineexpect na matutuwa pala sila," pahayag ni Maris.

Naikwento rin ng singer-actress na mas lalo siyang kinikilig tuwing binibigyan siya ni Rico na ang tawagan nila ay "Babs"

Narito ang kabuuan ng masayang pagkikwento ni Maris sa Magandang Buhay:

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Nitong Mayo, inamin ni Maris ang totoong namamagitan sa kanila ni Rico Blanco na madalas na niyang nakakasama sa paggawa ng mga kanta. Subalit nabanggit niyang bago pa man ang pandemya ay sila na ng dating miyembro ng bandang Rivermaya.

Read also

Marjorie Abastas, napansin ng netizens na 'blooming' nang magkaayos na sila ng customer

Todo kilig ang hatid nila sa kanilang mga fans nang minsang mapanood silang magkasama sa isang TikTok video.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel