Maris Racal, ibinuking na 'before pandemic' pa nagsimula ang relasyon nila ni Rico Blanco

Maris Racal, ibinuking na 'before pandemic' pa nagsimula ang relasyon nila ni Rico Blanco

- Kinikilig na inamin ni Maris Racal na bago pa ang pandemya, may relasyon na sila ni Rico Blanco

- Ito ay matapos na matanong siya ni Janice De Belen kung mahirap bang magsimula ng relasyon sa gitna ng pandemya

- Ibinahagi rin ni Maris ang mga bagay na pinagkakasunduan nila ni Rico bukod sa parehong mahal nila ang musika

- Nagpapasalamat din umano ang singer/actress na tinanggap ng publiko ang kanila umanong kakaibang relasyon dahil daw sa kanilang edad

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinisto ni Maris Racal ang kanilang relasyon ng nobyong si Rico Blanco na nagsimula pa pala bago ang pandemya.

Nalaman ng KAMI na hindi inaasahang masasabi ito ng singer/actress gayung inamin lamang ng dalawa ang kanilang relasyon kamakailan lamang.

Naitanong kasi ni Janice de Belen kung mahirap ba para kay Maris ang pagsisimula ng kanilang relasyon sa gitna ng pandemya.

Read also

Maris Racal, aminadong natakot sa iisipin ng tao tungkol sa kanila ni Rico Blanco

Maris Racal, ibinuking na 'before pandemic' pa nagsimula ang relasyon nila ni Rico Blanco
Maris Racal (Photo: @mariesteller)
Source: Instagram

Hindi ito agad na nasagot ni Maris gayung bago pa naman daw mag-pandemya nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi ko po alam, kasi before pandemic po nag-start," kinikilig na inamin ni Maris.

"Nahuli na pala tayo!" ang nasabi naman ni Janice.

Naibahagi rin ni Maris na bukod sa parehong mahilig sila sa musika, isa sa mga napagkakasunduan nila ni Rico ay ang pagpapahalaga nila sa kanilang malaking pamilya.

Nagpapasalamat din umano si Maris sa mga publiko na tinanggap ang aniyang 'strange relationship' nila ni Rico dahil umano sa kanilang edad.

Narito ang kabuuan ng video mula sa ABS-CBN Entertainment:

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Read also

Ivana Alawi, hinangaan sa pagiging 'humble' at labis na mapagmahal sa pamilya

Nitong Mayo, inamin ni Maris ang totoong namamagitan sa kanila ni Rico Blanco na madalas na niyang nakakasama sa paggawa ng mga kanta.

Todo kilig ang hatid nila sa kanilang mga fans nang minsang mapanood silang magkasama sa isang TikTok video.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel