Ivana Alawi, hinangaan sa pagiging 'humble' at labis na mapagmahal sa pamilya

Ivana Alawi, hinangaan sa pagiging 'humble' at labis na mapagmahal sa pamilya

- Sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi, kasama niya ang kapatid na si Hash na sumagot sa mga tanong ng ilan sa kanilang mga subscribers

- Isa sa mga naitanong ay kung ano raw ang pakiramdam ni Ivana bilang breadwinner ng kanilang pamilya

- Itinanggi ni Ivana na siya ang breadwinner at nagtutulungan din sila sa kanilang pamilya

- Hindi rin daw siya nagbibilang sa kung anuman ang naibigay o naitulong sa mga mahal sa buhay dahil ganoon naman daw talaga dapat ang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hinangaan ng marami si Ivana Alawi na kinakitaan ng pagiging mapagpakumbaba nang sabihing hindi siya ang 'breadwinner' ng kanilang pamilya.

Nalaman ng KAMI na sa pinakabagong vlog ni Ivana kasama ang kanyang kapatid na si Hash, sumagot sila sa ilang mga katanungan ng netizens habang ginagawa nila ang 'crab mukbang.'

Read also

Jay Costura, sinabing hindi pwedeng gamitin ang "gift" para manakot

Isa sa mga naitanong kay Ivana ay kung ano raw ang pakiramdam nito bilang isang breadwinner ng Alawi Family.

Ivana Alawi, hinangaan sa pagiging 'humble' nang sabihing 'di siya ang breadwinner ng pamilya
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

"'Di ko alam, 'di ko tinitingnan ang sarili ko bilang breadwinner," agad na sagot ng YouTube star.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paliwanag niya, lahat daw sila sa kanilang pamilya ay nagtutulungan at hindi kailanman nila 'binibilang' ang kung anuman ang naibigay nila sa kanilang mahal sa buhay.

"O ito ang tinulong ko, breadwinner ako ah, nanalo ako tinapay... 'Di kami ganoon e!"

"Kung ano 'yang maitulong mo, salamat kasi family 'yan, dapat hindi nagbibilang. I don't see myself as a breadwinner, lahat naman kami mga winner," paliwanag ni Ivana.

Dahil dito, labis na hinangaan si Ivana sa kanyang pagmamahal sa pamilya at pagiging mapagpakumababa.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Read also

Anak ng mag-asawang Pinoy sa Dubai na may COVID-19, agad na pumanaw

"Ate IVANA is the person who is so very authentic or being true to herself"
"You’re not just a beautiful woman but super down to earth and very humble. Nakaka inspire ang mga good deeds mo, may God continue to shower you with more and more blessings in life."
"Imagine having those kind of siblings. Sobrang mapagmahal sa pamilya, walang lamangan, love love love lang"
"Your relationship as brothers and sisters is so inspiring napaka-down to earth, supportive to each other and family-oriented that's why I always watch all your videos"

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.7 million ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan ay nagbasa sila ng kanyang kapatid na si Mona ng mga umano'y "mean comments" sa kanila. Isa na rito ang komento kay Ivana na kamukha raw niya ang singer at komedyante na si K Brosas. Para kay Ivana, hindi naman ito mean comment at binati pa niya si K sa kanyang vlog.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel