Anak ng mag-asawang Pinoy sa Dubai na may COVID-19, agad na pumanaw

Anak ng mag-asawang Pinoy sa Dubai na may COVID-19, agad na pumanaw

- Matindi ang paghihinagpis ng mag-asawang Pinoy sa Dubai nang biglang pumanaw ang kanilang anak

- Unang nagpositibo sa COVID-19 ang mister hanggang sa nahawahan na rin ang asawa nito at anak

- Ang masaklap, wala pang 24 oras ang anak sa ospital, binawian na agad ito ng buhay

- Magsilbing babala at aral ang kanilang naranasan sa ibang pamilya at seryosohin ang nakamamatay pa rin na COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos hindi pa matanggap ng Pinay na si Roxy Sibug na nasa Dubai at ang kanyang mister sa biglang pangpanaw ng kanilang nag-iisang anak na si Luther.

Nalaman ng KAMI na nadurog ang puso ng marami nang isalaysay ni Roxy ang pangyayari kung saan sa isang iglap, nawala na ang kanilang pinakmamahal na anak.

Unang nagkaroon ng COVID-19 ang kanyang mister. Hanggang sa kalaunan, nahawa na rin si Roxy at baby Luther.

Read also

Vlogger na si Jose Hallorina, sinabing namatay raw na homeless ang lola ni Donnalyn Bartolome

Anak ng mag-asawang Pinoy sa Dubai na may COVID-19, agad na pumanaw
Photo from Pixabay
Source: UGC

Agad naman nilang nadala sa clinic ang baby na nabigyan din agad ng mga gamot.

Sa loob ng dalawang araw, napansin ni Roxy ang pagbabago lalo na sa mga namagang mata ng anak. Napansin din niya ang pagiging matamlay nito at panghihina.

Kaya naman muli nila itong dinala sa ospital upang malapatan muli ng atensyong medikal.

Muli silang pinauwi ngunit lumala lalo ang lagay ni Luther kaya nang dalhin nila muli ito sa ospital, sa ICU na ito inilagak.

Ayon sa mga doktor, nagkaroon na ng impeksyon ang puso ng sanggol dahil sa COVID-19.

Subalit wala pang 24 oras, binawian na rin ng buhay si Baby Luther.

"Maging lesson sana ito sa lahat ng magulang. 'Wag balewalain ang COVID dahil totoong-totoo siya! My son is completely healthy. Hindi nagkakasakit. Pero sa isang iglap nawala siya samin."

Umabot na sa mahigit 62,000 na reaksyon ang viral post ni Roxy na ang lahat ay nakikidalamhati sa paglisan ng isang anghel sa kanyang mga magulang.

Read also

Guro, napagtapos sa kolehiyo ang tatlong mga anak ng kanyang BFF

Narito ang panayam kay Roxy sa unang bahagi ng Frontline Pilipinas:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa Pilipinas, habang patuloy ang pagbabakuna ng mga mamamayan, sumasailalim muli ang ilang bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila sa enhanced community quarantine.

Ito ay matapos makumpirma ng Department of Health ang pagkakaroon ng Delta variant ng COVID-19 na mas mabilis makahawa lalo na kung hindi isasagawa ang mga safety protocols.

Matatandaang maging sa Cebu, isang ospital ang kinakitaan na naman ng pagkapuno ng pasyente na ang ilan ay naka-oxygen sa labas habang naghihintay na sila ay ma-admit sa pagamutan.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica