Vlogger na si Jose Hallorina, sinabing namatay raw na homeless ang lola ni Donnalyn Bartolome
- Matapos magpahinga sa pagbabahagi ng video sa YouTube, muling bumalik ang vlogger na si Jose Hallorina
- Sa kanyang pinakabagong video, sinabi niyang nakatanggap umano siya ng demand letter at ng email mula sa kampo ni Donnalyn Bartolome
- Pinapabura umano sa kanya ang video kung saan ibinahagi niya ang tungkol sa kalagayan ng lola ni Donnalyn na aniya ay namatay nang wala sa poder nila at nasa tabi ng kalsada
- Matatandaang una nang nagkasagutan ang dalawa sa pamamagitan ng mga YouTube videos nila kaugnay sa isyu
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Usap-usapan ngayon sa social media ang panibagong isyung kinasasangkutan ng vlogger na si Donnalyn Bartolome. Ito ay kaugnay sa mga naging pahayag ng YouTuber na si Jose Hallorina kamakailan.
Ayon kay Jose, ikinalungkot niya nang mabalitaang pumanaw na ang lola ni Donnalyn na dati na niyang natulungan matapos niyang makita sa lansangan.
Aniya, homeless pa rin ang matanda at sa tabi ng kalsada na ito binawian ng buhay.
Aniya, handa siyang harapin si Donnalyn sa korte. Ito ay matapos niyang makatanggap ng demand letter at email mula sa kampo ng vlogger.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakilala ang YouTuber na si Jose Hallorina sa kanyang video na nagpapakita ng mga social experiments at pagtulong sa iba't-ibang tao.
Nauna nang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Jose at Donnalyn nang makausap at tinulungan ni Jose ang isang matandang kanyang nakita sa lansangan.
Nagpakilala itong lola umano ni Donnalyn. Matapos mag-viral ang video na binahagi ni Jose, inalmahan iyon ni Donnalyn. Kinalaunan ay kapwa na burado ang mga video nila DOnnalyn at Jose kaugnay sa isyu.
Bukas ang KAMI sa panig ni Donnalyn Bartolome at maging kay Jose Hallorina hinggil sa isyung ito.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh