Jay Costura, sinabing hindi pwedeng gamitin ang "gift" para manakot

Jay Costura, sinabing hindi pwedeng gamitin ang "gift" para manakot

- Sa kanyang YouTube video, nakapanayam ni Aiko Melendez si Jay Costura na isa sa kilalang psychic

- Naitanong ni Aiko kay Jay kung ano ang kanyang pananaw kaugnay sa kontrobersiyal na fortune teller na si Rudy Baldwin

- Ani Jay, para sa kanya ay tila hindi possible na magkaroon ng sampung premonition ang isang psychic sa isang araw

- Dagdag pa niya, hindi dapat ginagamit ang kanilang talento upang manakot at magmanipula ng kapalaran ng mga tao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Jay Costura ang kanyang saloobin hinggil sa mga bagay-bagay at maging ang kanyang mga karanasan bilang isang psychic at fortune teller.

Sa vlog ng aktres na si Aiko Melendez, prangka ang mga naging pahayag ni Jay kaugnay sa mga maiinit na isyung pinag-uusapan sa social media.

Jay Costura, sinabing hindi pwedeng gamitin ang "gift" para manakot
Jay Costura (Screenshot from Aiko Melendez's vlog)
Source: Instagram

Naitanong sa kanya ni Aiko ang tungkol sa kapwa niya psychic na si Rudy Baldwin na naging kontrobersiyal kamakailan matapos punahin ng ilang mga personalidad tungkols sa mga prediksiyon na ibinabahagi niya sa social media na pawang mga negatibo umano.

Read also

Lolo na sinagip ng RTIA mula sa tirahan nitong mukhang kulungan ng baboy, pumanaw na

Ani Jay, parang imposible para sa isang tao ng magkaroon ng sampung premonisyon sa isang araw. Nabanggit din niya na hindi dapat ginagamit upang manakot at magmanipula ng kapalaran ng ibang tao ang kanilang talento.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naibahagi din ni Jay ang kanyang karanasan mula noong pagkabata niya na nakakakita siya ng mga hindi nakikita ng kanyang mga kalaro. Naging dahilan umano ito na katakutan siya.

Panuorin ang kabuuan ng video ng panayam ni Aiko sa kanya:

Si Jay Costura ay sumikat sa social media dahil sa kanyang pagbabahagi ng kanyang premonition. Kagaya niya, si Rudy Baldwin ay kilala din sa mga hula niya naa kadalasan ay kaugnay sa parating na sakuna at kalamidad.

Nag-viral kamakailan ang mga naging pahayag ng isa pang social media personality na si Xian Gaza kaugnay kay Rudy Baldwin. Kinaaliwan naman ng netizens ang pangangantiyaw ni Ogie Diaz kay Xian at biniro siyang sila ang magkakatuluyan.

Read also

Nagpakilalang anak ni Nanay Josie, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel