Lolo na sinagip ng RTIA mula sa tirahan nitong mukhang kulungan ng baboy, pumanaw na

Lolo na sinagip ng RTIA mula sa tirahan nitong mukhang kulungan ng baboy, pumanaw na

- Sumakabilang buhay na ang lolo na nasagip ng Raffy Tulfo in Action mula sa kalunos-lunos na kalagayan nito

- Isang concerned citizen ang nakakita ng kalagayan ng lolo na nakatira umano sa mukhang kulungan ng baboy

- Kwento ng kaanak nito, kapisan nila noon ang matanda ngunit nang magkaroon ng karamdaman at minabuti na nilang ihiwalay sa kanila

- Kamakailan ay binawian na siya ng buhay sa tabi mismo ng kanyang kapatid na nagmalasakit na siya'y kupkupin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pumanaw na si Moises Ramirez, ang lolo na idinulog ng isa niyang kapitbahay sa programa ni Raffy Tulfo noong Marso 2021.

Nalaman ng KAMI na nakita na lamang ito ng kanyang kapatid na nahihirapang huminga hanggang sa tuluyan nang bawian ng buhay.

Matatandaang agad pa noong sumaklolo ang staff ng 'Raffy Tulfo in Action' (RTIA) upang ilipat na lang sana sa shelter ang matanda.

Read also

Jay Costura, sinabing hindi pwedeng gamitin ang "gift" para manakot

Lolo na sinagip ng RTIA mula sa tirahan nitong mukhang kulungan ng baboy, pumanaw na
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sa tulong ng kanilang barangay at ni Tulfo, nabigyan pa ng medikal na atensyon si Lolo Moises upang bago sana ito mailagak sa shelter ay malusog na ang kanyang pangangatawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang isinasagawa ang gamutan, nanatili ito sa puder ng kapatid na kanyang tinirahan mula nang ito ay makalaya sa 16 na taong pagkakakulong.

Nadalhan pa siya ng mga pagkain ng staff ni Raffy Tulfo at makikita ang saya ni Lolo Moises gayung natupad ang kanyang munting kahilingan.

Subalit muling nabalitaan na lamang ng RTIA na pumanaw na ang matanda kamakailan.

Ayon sa kapatid, pakakainin na sana niya ito nang makitang nag-aagaw buhay na at hirap na hirap nang huminga.

'Di nagtagal, binawian na ito ng buhay. Ang masaklap, hindi na ito nakita at nakasama ng mga anak kahit ilang beses na raw niya itong sinubukang papuntahin.

Read also

Nagpakilalang anak ni Nanay Josie, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome

Minabuti na rin daw ng mga ito na ipa-cremate ang labi ng ama na siyang ginawa naman ng kapatid. Hanggang sa huling sandali ay patuloy pa rin silang tinulungan ng programa ni Tulfo.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.6 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica