Viral food supplier at customer, nagkaharap na sa barangay

Viral food supplier at customer, nagkaharap na sa barangay

- Nagbigay ng update ang food supplier na si Marjorie Abastas sa 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo

- Isinalaysay nito ang unang paghaharap nila ng inirereklamong customer na si Maria May Hofs

- Sinabi raw nito na handa siyang magbayad ng balanse sa 'lechon package' ngunit itutuloy pa rin umano ang kaso niya kay Marjorie

- Dahil dito, pinaalalahanan ni Tulfo ang food supplier na huwag nang tanggapin ang bayad ni Maria May at pinadalhan na lamang niya ito ng halagang kula pa nito upang kumita naman si Marjorie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling kinumusta ni Raffy Tulfo ang food supplier na si Marjorie Abastas na dumulog sa kanyang programa na 'Wanted sa Radyo.'

Nalaman ng KAMI na nagkaharap na umano sa barangay sina Marjorie ang ang inirereklamo niyang customer na si Mari May Hofs na hindi na umano nagbayad ng balanse sa order nitong 'lechon package' sa kanya.

Read also

Viral food supplier, nabahala sa umano'y banta sa kanya ni Maria Hofs sa isa nitong interview

Ayon kay Marjorie, babayaran naman sana siya ni Maria May subalit sinabi nito na itutuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Viral food supplier at customer, nagkaharap na sa barangay
Raffy Tulfo (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Pinaalala ni Tulfo na hindi na dapat na tanggapin pa ni Marjorie ang kabayaran, at nagpadala na rin siya ng halagang kulang nito para kumita naman ang food supplier. Natanggap na rin ito ni Marjorie.

Dahil dito, nakaabang lamang ang kampo ng food supplier gayundin ang tulong na ibibigay ni Tulfo sakaling kasuhan na nga ng tuluyan ni Maria May si Marjorie.

Narito ang kabuuan ng panayam muli sa food supplier mula sa unang bahagi ng Wanted sa Radyo ngayong Hulyo 30:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Ina ni Marjorie Abastas, sinabing alas 3 ng madaling araw nag-umpisang magluto

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Matatandaang nakarating sa programa ni Tulfo ang nag-viral na video kung saan makikita ang umano'y pagmamatigas ni Maria Hofs na hindi raw umano babayaran si Marjorie Abastas sa food package na order niya rito.

Dahil dito, tinutukan na ni Tulfo ang nasabing sitwasyon lalo na at balak pa umanong kasuhan ng customer ang food supplier.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica