Raffy Tulfo, todo ang suporta sa caterer na balak pang kasuhan ng 'di nagbayad na customer

Raffy Tulfo, todo ang suporta sa caterer na balak pang kasuhan ng 'di nagbayad na customer

- Todo ang suporta na ibinigay ni Raffy Tulfo sa caterer na si Marjorie Abastas na balak pa umanong kasuhan ng naging customer na hindi nagbayad sa kanya

- Unang dumulog si Marjorie sa programa ni Tulfo para ireklamo ang nasabing customer na nagmatigas na hindi bayaran ang balanse pa sa kanya

- Ayon naman sa naturang customer, kakasuhan din umano nila si Marjorie ngunit pinayuhan siya ng abogado na hindi sabihin ang partikular na kaso

- Dahil dito, handa umano si Tulfo na ikuha si Marjorie ng mahusay na abogado sa Cebu na magiging legal defense nito sa sinasabing kaso ng customer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nakapanayam ni Raffy Tulfo ang food supplier na si Marjorie Abastas kaugnay sa isinumbong nito na isang customer na nagmatigas na hindi bayaran ang balanse nito sa kanya.

Read also

Food supplier na hindi nakasingil ng balanse mula sa customer, nagpa-Tulfo

Nalaman ng KAMI na umaliwalas na ang mukha ni Marjorie matapos na mabigyang pansin ng programa ni Tulfo ang kanyang hinaing.

Subalit, sa unang panayam sa kanila ng customer niya, nabanggit nitong maging sila ay kakasuhan si Marjorie dahil sa sinasabing pambabastos umano nito sa kanila sa social media.

Raffy Tulfo, pinaghahandaan na ang umano'y kaso na isasampa laban sa 'di binayarang caterer
Raffy Tulfo (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Ngunit, pinayuhan ang customer ng kanyang abogado na huwag nang isa-ere kung ano ang ikakaso nito laban sa caterer.

Dahil dito, pinaghahandaan na rin ni Tulfo ang tulong na ibibigay niya kay Marjorie.

Kukuha umano sila ng abogado mula sa Cebu na tututok sa kasong maaring isampa ng hindi nagbayad na customer kay Marjorie.

Pinayuhan din ni Tulfo base na rin sa kanilang legal team na huwag nang pumayag si Marjorie na makipag-areglo sa customer.

Pinaaalalahanan din niya si Marjorie na huwag nang mag-post sa social media ng anumang patungkol sa nasabing customer.

Mapapanood ang kabuuan ng update ng nasabing kaso sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel.

Read also

Raffy Tulfo, sinamahan ang kasambahay upang tuluyang kasuhan ang anak ni Lucio Tan

Raffy Tulfo, pinaghahandaan na ang umano'y kaso na isasampa laban sa 'di binayarang caterer
Ilan sa mga pagkaing order ng customer ni Marjorie Abastas (Photo credit: Marjorie Alison)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica