Food supplier na hindi nakasingil ng balanse mula sa customer, nagpa-Tulfo
- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang food supplier na si Marjorie Abastas
- Ito ay kaugnay sa nag-viral na video niya kamakailan kung saan naningil siya ng balanse ng isang customer
- Nagmatigas umano itong bayaran ang balanse dahil sa kanyang reklamong kaunti lang umano ang pagkain na natanggap niya para sa perang sinisingil sa kanya
- Nilinaw ni Abastas na kaya niya ipinakita ang kanyang pagsingil ay para sa kanyang kaligtasan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Minabuti ng food supplier na dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo upang matulungan siya sa kanyang problema dahil ayaw umanong bayaran ng isang customer ang balanse ng kanyang bayarin sa food package na binubuo ng isang malaking litson at walong putaheng ulam.
Nilinaw niyang kaya niya kinuhanan ng video ang kanyang pagpunta sa bahay ng nasabing customer para makapaningil ay dahil nangangamba siya para sa kanyang kaligtasan.
Sinabi naman ni Idol Raffy na babayaran niya na lamang ang sinisingil nitong balanse ngunit aniya ay ituloy pa rin dapat nito ang pagreklamo upang maturuan ng leksiyon ang hindi magandang ginawa sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.
Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh