Rabiya Mateo, ibinahaging pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang punerarya
- Ibinahagi ni Rabiya Mateo ang 24 na mga bagay tungkol sa kanya sa isang video na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel
- Isa nga sa nakakaintrigang trivia na ibinahagi ni Rabiya ay ang tungkol sa kanyang pangarap na magkaroon ng kanyang sariling punerarya
- Base umano sa kanyang nakita sa kanilang lugar, hindi ganoon kaganda ang makeup ng mga pumanaw
- Kaya naman, sisiguraduhin niya umanong magiging maayos ang magiging itsura ng kanyang mga magiging kliyente
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng 24 anyos na beauty queen na si Rabiya Mateo ang 24 facts tungkol sa kanya. Sa kanyang bagong video na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel ay sinabi ni Rabiya na pangarap niyang magkaroon ng kanyang sariling punerarya.
Aniya, sa kanilang lugar, napansin niyang hindi ganoon kaayos ang makeup sa mga taong pumanaw na kaya kapag siya raw ay magkakaroon ng kanyang punerarya, sisiguraduhin niyang magiging maayos ang itsura ng kanyang mga kliyente.
Naibahagi niya ring naging Miss Physical Therapy siya nang dalawang beses. Hindi din siya kumakain ng maiitim na pagkain kagaya ng dinuguan at adobong pusit.
Kahit hindi siya mahusay sumayaw, napanalunan niya ang best in talent sa kanyang Tahitian dance dahil sobrang pursigido siya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.
Ibinahagi naman ng ina ni Rabiya ang mga katangiang mayroon ang anak. Hindi din nito napigilang magsalita laban sa mga bashers ng kanyang anak na kasalukuyang nasa America pa rin.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh