Herlene Budol, ipapagawa daw ng bubong nila ang kikitain sa vlog ni Toni Gonzaga

Herlene Budol, ipapagawa daw ng bubong nila ang kikitain sa vlog ni Toni Gonzaga

- Agad na nag-trending ang panayam ni Toni Gonzaga kay Herlene "Hipon" Budol sa YouTube

- Marami ang naantig sa kwento ng kanyang buhay dahil marami ang nag-akalang maayos na ang buhay niya matapos siyang maging bahagi ng "Wowowin"

- Marami rin ang humanga kay Toni Gonzaga dahil mapupunta kay Herlene ang kikitain ng nasabing vlog

- Sa kanyang Facebook account ay inanyayahan ni Herlene ang kanyang mga followers na panuorin ang panayam na iyon dahil ang kikitain ay ipapagawa daw niya ng kanilang bubong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging emosyonal si Herlene "Hipon" Budol sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga lalo na nang maikwento na niya ang tungkol sa hirap na dinaranas ng kanyang pamilya. Naikwento niyang mula sa kanyang kita ay gate pa lamang nila ang kanyang napaayos.

Herlene Budol, ipapagawa daw ng bubong nila ang kikitain sa vlog ni Toni Gonzaga
Herlene Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Sinabi ni Herlene na ang tanging pangarap niya lang ay ang makitang masaya ang kanyang pamilya. Kaya naman, sa kabila ng kanyang kinita noong nagtatrabaho pa siya, wala siyang napundar na gamit para sa kanyang sarili.

Read also

Rabiya Mateo, ibinahaging pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang punerarya

Sa kanyang Facebook post sinabi niyang ipapagawa niya ng kanilang bubong ang kikitain ng nasabing YouTube video.

Inanyayahan ni Herlene ang kanyang mga followers na panuorin ang panayam na iyon.

Pakipanood po ang Toni talks Ang kikitain po neto ay pang papagawa po ng bubong namin Eto po Ang link please like at paki share nadin po Salamat ng madami.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sumikat si Herelene Budol sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programang Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Naging usap-usapan ang mainit na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Super Tekla, napamura matapos makita ang sasakyan niya; na-prank ni Donita Nose

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel