Super Tekla, napamura matapos makita ang sasakyan niya; na-prank ni Donita

Super Tekla, napamura matapos makita ang sasakyan niya; na-prank ni Donita

- Matapos mabiktima ng mga prank ni Super Tekla ng ilang beses, napag-isipan ni Donita Nose na bawian ng prank ang kaibigan

- Habang tulog ito ay hiniram niya ang kotse ni Tekla at ipinagpaalam ang kanyang paggamit sa sasakyan sa pamamagitan ng text message

- Hindi maitago ni Super Tekla ang kanyang galit nang makita ang itsura ng kanyang kotse na ayon sa kwento ni Donita ay nabangga ng motor

- Napalitan naman ng tuwa ang kanyang galit nang ipaayos na ni Donita ang kanyang sasakyan at maging ang dati nang sira nito ay naayos din

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Para makabawi sa mga pangpa-prank sa kanya ni Super Tekla, naisipan ni Donita Nose na gamitin ang kotse ni Super Tekla upang galitin ito.

Dinala niya ang sasakyan ni Tekla sa pagawaan upang ipaayos ang dati nang sira nito. Gayunpaman, hindi niya kaagad pinakabit ang mga maayos na bahagi ng bumper ng sasakyan.

Read also

Herlene Budol, ipapagawa daw ng bubong nila ang kikitain sa vlog ni Toni Gonzaga

Tekla, napamura matapos makita ang itsura ng sasakyan niyang hiniram ni Donita
Super Tekla and Donita Nose (@donitanose)
Source: Instagram

Pinagmukha niya itong nawarak at sinabi niya kay Tekla na nabangga siya ng motor. Hindi naman maitago ni Tekla ang kanyang galit at napamura pa ito. Tumaas na rin ang boses niya matapos niyang makita ang sasakyan niyang aniya ay pinakainiingatan niya.

Gayunpaman, napalitan ng galak ang kanyang galit nang malamang prank lang iyon at pinaayos talaga ni Donita ang kanyang sasakyan.

Hirit pa niya kay Donita, sana ay marami pang prank kung ganoong uri ng prank ang gagawin sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla.

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Read also

Herlene "Hipon Girl" Budol sa usaping pera: "Back to zero kami, walang-wala na talaga"

Isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel