Herlene "Hipon Girl" Budol sa usaping pera: "Back to zero kami, walang-wala na talaga"

Herlene "Hipon Girl" Budol sa usaping pera: "Back to zero kami, walang-wala na talaga"

- Nakapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel si Herlene 'Hipon Girl' Budol

- Naikwento ni Hipon Girl na talagang tinamaan din siya ng hirap ng pandemya'

- Aminado siyang nauubusan ng pera na tila mas mabuti pa raw noong wala pa siya sa showbiz at rumaraket kung saan may maaring pagkakitaan

- Wala raw kasing ibang hangad si Hipon Girl kundi masuportahan ang kanyang pamilya na hindi niya masyadong magawa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang masaya at nakakaiyak na kwentuhan ang naganap sa panayam ni Toni Gonzaga kay Herlene 'Hipon Girl' Budol.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga naibahagi ni 'Hipon Girl' ay ang pahirap na dinanas nila dahil sa pandemya.

Read also

Madam Inutz, sinabi kay Ogie Diaz na kailanma'y 'di lalaki ang ulo niya; "Ibahin mo ako kuya"

Aminado siyang matumal ang kanyang pinagkakakitaan ngayon at masakit ito para sa kanya lalo na at siya ang inaasahan ng kanyang pamilya.

Herlene "Hipon Girl" Budol, inaming tinamaan din ng pandemya at kinakapos sa pera
Herlene "Hipon Girl" Budol (Photo credit: @herlene_budol)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Lagi po akong umiiyak pag nakakapos po kami," ang emosyonal na pahayag ni Herlene.

"Wala po talaga akong pinagkukunan... 'Pag may raket po, nagpapa-post, 'yung ganun, nagpapa-TikTok. Doon na lang po ako bumabawi, kasi 'pag wala po 'yun, wala po akong pagkukunan."

Pinasok niya ang online selling ngunit aminadong matumal din ang kanyang kita roon gayundin sa kanyang munting tindahan.

Nabanggit din ni Herlene na bagaman at gusto pa rin niyang lumabas sa telebisyon o bumalik sa showbiz, wala naman daw kumukuha sa kanya.

Tila mas mainam pa raw ang simpleng buhay niya noon at hindi siya nawawalan ng raket at hindi naze-zero ang kanyang pitaka hindi gaya ngayon.

Read also

Queen Inutz, nakipagkita kay Ogie Diaz kasunod ng pagbitiw niya sa Star Image

"Nagpapayong ako ng mga nag-go-golf, umbrella girl, naging tindera rin po ako sa palengke, tas' nag-munisipyo din po ako... Kahit maliliit lang na sahod 'pag pinagsama malaki na pera ko."

"Mas malaki nga po pera ko dati, Promise! Dati hindi ako nawawalan ng pera sa wallet e, kahit mga Php500 lang meron ako sa wallet. Ngayon naze-zero talaga ako," buong pag-amin ni Hipon Girl.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Toni Gonzaga mula sa YouTube Channel nito na Celestine Gonzaga- Soriano:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Herlene Nicole Budol a.k.a. "Hipon" ay isang komedyante at TV host sa programang "Wowowin". Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Read also

Ethel Booba at Queen Inutz, nagpagalingan sa online selling

Kamakailan, buong tapang na sinagot ni Hipon Girl ang akusasyon sa kanya na nabuntis umano siya ng kanyang 'Kuya Wil.'

Maging si Willie ay pinabulaanan ang issue at makailang beses din na lumabas si Hipon Girl sa ilang online shows kung saan mapatutunayang hindi raw siya nagdadalang tao.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel