Madam Inutz, nakipagkita kay Ogie Diaz kasunod ng pagbitiw niya sa Star Image
- Matapos nga ang Facebook live ni Madam Inutz kung saan sinabi niyang wala na siya sa Star Image Artist Management, lalong dumami ang mga YouTubers at vloggers na naka-collab niya
- Kabilang sina Donita Nose, Ethel Booba, Herlene Budol at Wilbert Tolentino ang sumugod sa kanilang bahay
- Naging palaisipan naman sa marami kung si Ogie Diaz na ba ang mag-ma-manage sa kanyang career dahil namataan silang magkasama sa isang restaurant kamakailan
- Hindi maipagkakailang isa si Ogie Diaz sa pinakamahusay na talent manager sa kasalukuyan na may hawak sa ilang malalaking bituin kagaya ng LizQuen at maging kay Idol Raffy Tulfo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kung umani ng maraming pagtutol ang pagpirma ni Madam Inutz sa Star Image Artist Management ng kontrata, tila marami naman ang positibong reaksiyon sa kumakalat na litrato ng onoline seller kasama ang sikat na talent manager na si Ogie Diaz.
Lolit Solis, sinabing walang masama kung sakaling totoo ang relasyong Albert Martinez at Faith Da Silva
Malaki na ang napatunayan ni Mama Ogz pagdating sa larangan ng pag-ma-manage ng artista dahil marami sa mga ito ang naging matagumpay sa kani-kanilang mga karera.
Maging si Vice Ganda ay dati ding hawak ni Ogie. Sa kasalukuyan ay kabilang sina Liza Soberano, Enrique Gil at Idol Raffy Tulfo sa mga mina-manage ni Ogie.
Marami sa mga tagahanga ni Madam Inutz ang natuwa nang makitang nagkita silang dalawa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.
Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh