Atty. Libayan, hinimay ang legal na aspeto ng pagbitiw ni Madam Inutz sa Star Image
- Kasunod ng pagsasapubliko ni Madam Inutz sa kanyang pagbitiw bilang talent ng Star Image Artists Management, marami din ang natuwa sa kanyang mga tagasuporta
- Ani Madam Inutz, hindi niya kaagad nabasa ang kontrata at nang tiningnan niya uli wala umanong expiration ang nasabing kontrata
- Isa-isang hinimay ni Atty. Randolf Libayan ang aspetong legal ng pagbitiw ni Madam Inutz sa talent agency
- Para kay Atty. Libayan, hindi praktikal para sa panig ng artist agency na magkaso dahil wala pa naman silang nagawang mga proyekto
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isa-isang hinimay at pinaliwanag ni Atty. Randolf Libayan ang maaring maging pananagutan ni Madam Inutz sa kanyang pag-ayaw sa Star Image Artist Management sa kabila ng pag-pirma nito kamakailan ng kontrata.
Ani Attorney, hindi tatanggapin ang dahilan na hindi niya nabasa ang kontrata. Gayunpaman, ibinahagi niya ang maaring maging katwiran ng online seller.
Lolit Solis, sinabing walang masama kung sakaling totoo ang relasyong Albert Martinez at Faith Da Silva
Dagdag pa ni Attorney, hindi magiging praktikal para sa panig ng artist agency dahil wala naman silang makukuha sakaling mapatunayang may pananagutan ang online seller.
Aniya, dahil wala pa namang nagawang proyekto ay wala silang masisingil pagdating sa damages na kailangang bayaran sa panig ni Madam Inutz. Bukod dito ay gagastos lamang umano sila sa abogado kaya naniniwala siyang hindi praktikal na magsampa sila ng kaso.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang kasunod ng pagsikat ni Madam Inutz, kaagad na lumabas ang balitang magiging bahagi na siya ng Star Image na labis na tinutulan ng karamihan sa kanyang mga followers.
Si Atty. Randolf Libayan ay isang trial lawyer na nakilala sa kanyang matapang na paghihimay ng mga kontrobersiyal na mga kaganapan. Ang kanyang YouTube channel na BatasNatin ay dumaan sa kritisismo lalo na mula sa mga tagahanga ng mga taong may kaugnayan sa kanyang tinatalakay sa kanyang channel.
Matatandaang umani ng matinding pambabatikos si Atty. Libayan mula sa mga tagahanga ni Ivana Alawi matapos mag-viral ang kanyang video kung saan tinatalakay niya ang paggamit ng kahirapan ng ilang kilalang ta upang pagkakitaan.
Tinalakay niya rin ang mga kasong maaring kakaharapin ng mga taong nagpopromote ng pagbibigay ng limos.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh