Lolit Solis, sinabing walang masama kung may relasyon nga sina Albert at Faith

Lolit Solis, sinabing walang masama kung may relasyon nga sina Albert at Faith

- Matapos lumabas ang ilang balita kamakailan tungkol sa umano'y pagkakaroon ng relasyon nina Albert Martinez at Faith Da Silva, ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang opinyon

- Hindi diretsahang kinumpirma ni Manay Lolit na totoo ang balita ngunit aniya, kung sakaling totoo nga ang balita wala namang masama

- Para sa kanya, parehas namang walang sabit ang dalawa sa kabila ng malaking agwat sa kanilang edad

- Si Albert ay 61 taong gulang habang ang aktres na anak ng aktor na si Dennis da Silva ay 20

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pag-ugong ng balitang may namuong relasyon sa pagitan nina Albert Martinez at Faith Da Silva, ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang opinyon hinggil dito.

Aniya, wala namang masama kung totoo ngang nag-iibigan sila sa kabila ng 40 taong agwat ng kanilang edad.

Read also

Lolit Solis, ipinagtanggol si Cong. Claudine Bautista sa kabila ng mga pambabatikos

Lolit Solis, sinabing walang masama kung may relasyon nga sina Albert at Faith
Albert Martinez (@albertmartinezph)
Source: Instagram

Para sa kanya, parehas namang walang sabit ang dalawa dahil ang aktor ay matagal na ring balo samantalang dalaga pa naman ang aktres.

Wala naman masama kung sakali at magsama ang dalawa dahil pareho naman single. Matagal narin balo si Albert Martinez, at dalaga naman at nasa edad na si Faith da Silva. Kung sakali maganda ngang team up dahil at least bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, matatanggap naman marahil ng mga anak nila ni Leizl kung magkaroon ng bagong makakasama ang kanilang ama dahil matagal na rin itong nag-iisa sa buhay.

So , kung happy sila, dapat lahat happy. Matatanggap naman siguro ng mga anak ni Albert na magkaruon siya ng bagong kasama sa buhay dahil siyempre malungkot itong mag isa. At iyang love affair na iyan nangyari sa taping ng kanilang serye sa GMA7. Bongga ha, may trabaho na, may asawa pang nakita. Suwerte naman. Kaya Salve at Gorgy, bantayan mga taping baka may ma discover pa kayong mga bagong romance. Bongga

Read also

Queen Inutz, nakipagkita kay Ogie Diaz kasunod ng pagbitiw niya sa Star Image

Si Albert Martinez ay maituturing na isang batikang aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye kagaya ng Kadenang Ginto, Maria Flordeluna, May Bukas Pa at marami pang iba.

Ikinasal siya taong 1985 sa asawa niyang si Leizl Martinez. Gayunpaman, taong 205 nang mabalo siya matapos pumanaw ang asawa dahil sa breast cancer. Sa loob ng anim na taon ay walang napapabalitang babaeng naiuugnay sa aktor.

Isa sa kanyang tatlong anak ay kinasal noong 2019 sa Canada. Isang throwback picture ang ibinahagi ng aktor sa kanyang mensahe sa araw ng pagpapakasal ng kanyang anak.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel