Lolit Solis, ipinagtanggol si Cong. Claudine Bautista sa kabila ng mga pambabatikos

Lolit Solis, ipinagtanggol si Cong. Claudine Bautista sa kabila ng mga pambabatikos

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Manay Lolit Solis ang kanyang opinyon kaugnay sa mga naging pahayag ng ilang celebrities kaugnay sa magarbong kasal ng isang kongresista

- Ayon sa showbiz news writer, maari din namang nakaplano na ang kasal ni Cong. Claudine Bautista bago pa ang pandemic

- Aniya, sana ay huwag lagyan ng ibang kulay ang kanyang magarbong kasal dahil mahalagang okasyon iyon para sa isang babae

- Nagbigay din ng pabirong mungkahi si Manay Lolit na baka pwedeng sina Enchong Dee at Agot Isidro dahil sa mga naging komento nila sa magarbong kasal ng kongresista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para kay Manay Lolit Solis, hindi naman kasalanan ng ibang tao na mas maayos ang kalagayan sa buhay kagaya na lamang ni Cong. Claudine Bautista na naging usap-usapan kamakailan dahil sa magarabong kasal nito.

Read also

Lolit Solis, sinabing walang masama kung sakaling totoo ang relasyong Albert Martinez at Faith Da Silva

Lolit Solis, ipinagtanggol si Cong. Claudine Bautista sa kabila ng mga pambabatikos
Lolit Solis (akosilolitsolis)
Source: Instagram

Aniya, sana ay hayaan na lang na maging masaya ang kongresista dahil ang kasal ay isang mahalagang okasyon para sa isang babae.

Sa panahon ngayon Salve ang hirap magkaruon ng bonggang party, o anuman na kakikitaan ng sobrang gastos. Kahit pa nga sabihin mo na pera mo iyon ginasta mo, at minsan lang mangyari sa buhay mo kaya itotodo mo na. Tignan mo iyon wedding ni Cong. Claudine Bautista na talagang binigyan nila Agot Isidro at Enchong Dee ng sobrang comment. Kung iisipin mo, sa isang babae ang debut at kasal niya usually ang pinaka memorable. Siguro matagal ang preparasyon dito ni Cong. Claudine at pamilya niya, at hindi nila akalain na papatak kung kelan may pandemic kaya parang binigyan ng kulay at lumabas na insensitive sila. Kasi nga, ang daming naghihirap, nawalan ng trabaho, nagugutom. Kaya para ngang hindi panahon para gumasta ng malaki.

Dagdag pa niya, maaring kahit noon pa ay nakaplano na ang kasal at nagkataon lang na inabutan ng pandemya.

Read also

Queen Inutz, nakipagkita kay Ogie Diaz kasunod ng pagbitiw niya sa Star Image

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pero bigyan din natin ng katwiran na baka naman nuon wala pang pandemic nila ito plano, medyo nakakaloka nga na ngayon lang ginanap. Hindi naman siguro kasalanan kung sa panahon ito meron kang kakayahan gumasta ng ganuon kalaki. Iyon naman talaga ang batas ng buhay, meron may pera, meron din wala. May busog, may magugutom. Hindi kasalanan na mas masuwerte sila kesa atin, mas may biyaya sila ngayon , at tayo wala. Kanya kanyang panahon, malay natin bumaligtad ang mundo, umikot, at tayo naman ang may pera, at sila naman ang wala. Basta, lagi lang natin tandaan, weather weather lang iyan, puwede ngayon umuulan, bukas matindi ang araw. Hayaan na natin lumigaya sila sa kanilang wedding, pray na lang natin maging maligaya sila.

Nagbigay din ng pabirong mungkahi si Manay Lolit na baka pwedeng sina Enchong Dee at Agot Isidro dahil sa mga naging komento nila sa magarbong kasal ng kongresista

Read also

Mahal Tesorero, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kanyang yumaong ama

Sabi ni Agot Isidro, iyon gown na gawa ni Michael Cinco, marami ng drivers ang maibibili ng pagkain, suggest na lang natin na tutal nagamit na, ibenta na lang at ibigay ang pera sa mga drivers na nagugutom. Puwede kaya iyon Salve at Gorgy ? May bibili kaya ng 2nd hand na wedding gown ? O kaya, dahil sila Agot at Enchong ang nagagalit sa sobrang display ng wealth, sila na lang bumili. Mas ok ba iyon ? Naku, kung ano naman naiisip ko, ayaw ng fall at pour, hah hah , joke joke joke.

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network.

Bukod sa kanyang pagsusulat sa isang print and digital newspaper, kadalasan ay naibabahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram.

Kaya naman ikinabahala niya nang minsan ay hindi niya mabasa ang mga komento ng netizens sa kanyang posts.

Read also

Donnalyn Bartolome, nilabas ang kanyang sama ng loob kay Jose Hallorina

Kamakailan nga ay pinuri ni Lolit si Luis Manzano sa pagsagot nito sa mga bashers niya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate