Mahal Tesorero, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kanyang yumaong ama

Mahal Tesorero, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kanyang yumaong ama

- Ibinahagi nina Mygz Molino at Mahal Tesorero ang pangyayari bago pa pumanaw ang ama ni Mahal kamakailan dahil sa COVID

- Ayon kay Mahal, taong 2009 pa nang magkasakit ang kanyang papa ngunit nagka-COVID ito bago pa niya mapuntahan

- Muling binalikan ni Mahal ang kanyang pagsurpresa sa kanyang ama noong nakaraang Father's Day

- Marami naman ang naantig nang hindi na napigilang maiyak ni Mahal habang nagbibigay siya ng mensahe sa kanyang ama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa YouTube channel ni Mahal, ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa pagpanaw ng kanyang papa dahil sa COVID. Habang kinakausap siya ni Mygz Molino, nagagawa pa rin nitong tumawa at binanggit ito ni Mygz.

Mahal Tesorero, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kanyang yumaong ama
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Ani Mygz, kahit anong bigat ng nararamdaman ni Mahal, nagagawa pa rin nitong tumawa.

Kwento ni Mahal, taong 2009 pa nang magkasakit ang kanyang papa. Nakatakda sana silang dumalaw sa kanyang papa ngunit nagkaroon ng conflict sa schedule.

Read also

Donnalyn Bartolome, nilabas ang kanyang sama ng loob kay Jose Hallorina

Bibisita na rin sana si Mahal sa kanilang bahay ngunit hindi din natuloy dahil wala din ang papa niya sa bahay nila dahil nasa ospital na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinalaunan, nabalitaan nilang nag-positibo sa COVID ang papa ni Mahal.

Para sa kanya, isa sa pinakamaalala niya ay ang mga pag-uusap nila ng kanyang papa.

Marami ang naantig sa video na ito ni Mahal:

Omg I'm crying because I can feel Her and sarap ng feelings na hindi ka mag aalala as a fan kasi alam mong nasa tamang Tao siya, Yung pagkasabi niya nandito naman si Mygz so meaning committed na siya, sana KaBunso huwag na huwag mong iiwan si Mahal, whatever you're plan is sana kasama parin si Mahal.
That’s what friends are for. Mahal you are lucky you found a true friend. Let God be the center of your friendship.

Read also

Mura, ikinuwento ang masayang pagbisita sa kanya ni Mahal; "Dito sila natulog"

I'm so proud of you Mahal. Di ka nakakalimot kay Lord sa gitna ng pagdadalamhati. Salamat kay Mygz at sa Molino family.

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga video niya kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel